7: Dealing With Emotions

1.1K 59 6
                                    

 

DEALING WITH EMOTIONS

"Tumingin ka sa kin!"

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi dahil sa takot o sa powers niya. Masama ang loob ko sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat.

Biglang pumatak ang luha ko.

Biglang nawala ang galit sa mukha ni Emman. Agad niyang pinunasan ang pisngi ko gamit ang kamay niya.

"S-Sorry," sabi ko.

Bumuntung-hininga siya. "Sige na. Huwag ka nang umiyak."

Napangiti ako.

Sa loob-loob ko, may gentle side pala siya. Hinaplos pa niya ang pisngi ko.

Hindi mabura-bura sa isip ko ang feeling noon.

"Hoy, Serena! Tulala ka na naman!"

Napatingin ako kay Lorie. Bahagya akong napasimangot. Istorbo kasi. "Bakit ba?"

Tinawanan niya ako. "Anong bakit? Kanina ka pa tulala diyan! Ano bang problema?"

Napakibit-balikat ako. "Problema? Wala." Wala naman talaga.

Admit it, Serena. May problema ka.

Napabuntung-hininga ako. Ayokong aminin, pero meron nga yata.

Tatlong araw na kasi mula nang magsalita si Emman sa mga classmates namin. Mula noon, naging magaang na ang loob ng nila sa kanya. Binabati nila lagi si Emman, inaalok, niyayaya.

Si Emman naman, bumabati naman pabalik. Paminsan-minsan, ngumingiti na siya sa kanila, kahit matipid. Normal pa rin na nag-iisa siya at tahimik, pero malaking improvement na ang nangyari.

May isa lang problema.

Pinapansin na nga ni Emman ang mga classmates ko, pero ako hindi.

Masama lagi ang tingin niya sa kin.

Sa loob-loob ko, bakit?

"Hi, Emman!"

"Uy, Emman!"

"Musta, Emman?"

Napalingon ako sa pintuan ng classroom. Kapapasok lang ni Emman. Naka-smile sa kanya ang lahat.

Ngumiti siya, matipid pero ngiti pa rin yon.

Dati-rati, hindi siya ngumingiti.

Naglakad siya mula sa pinto papunta sa desk niya. Dumaan siya sa akin nang hindi man lang ako tinitingnan.

Sinundan ko siya ng tingin. Tinitigan ko siya hanggang nakaupo na siya. Pumikit siya gaya ng madalas niyang ginagawa, tahimik, parang nag-iisa. Kahit magaang na ang loob ng lahat sa kanya, hinahayaan lang nila siya na ganon.

Ano bang problema, Emman? gusto ko sanang itanong. Bakit ba ang init ng ulo mo sa kin lagi?

Bigla siyang dumilat at tinitigan ako nang masama.

Sa sama ng tingin niya, umiwas na lang ako ng tingin.

"May something ba between you and Emman?" tanong ni Lorie sa akin. Nasa canteen kami noon, oras ng recess. Kami lang dalawa dahil busy sina Thelma at Louise sa kung anumang ginagawa nila.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon