CRIMINAL
Matapos ang nangyari kina Emman at sa artistang si Janella Del Rio, inutos ni Don Manuel na ibalik ako sa room ko. Ikinulong nila ako ulit doon.
Malungkot na malungkot ako noon. Hindi ko matanggap ang mga nangyari. Nagawa nilang babuyin si Emman. Gumamit pa sila ng isang batam-batang artista para gawin iyon. At hindi nakatanggi si Emman sa kanila. Wala siyang nagawa laban sa powers ni Don Manuel.
Ang sama-sama niya! paulit-ulit kong sigaw sa isip ko.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang huling sulyap ko kay Emman. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kanya bago nila ako nailabas mula sa viewing room. Kitang-kita ko noon, nakahubad siya, nakadapa sa ibabaw ni Janella.
Diring-diri ako noon sa ginagawa niya.
Ano nang mangyayari sa kanya? tanong ko sa sarili ko. Forever na lang ba siyang kokontrolin ni Don Manuel para gumawa ng masama? Magiging kriminal ba siya kahit ayaw niya?
At ako, anong balak ni Don Manuel sa akin? Gagawin niya ba sa kin yung ginawa niya kay Janella? Ireregalo niya ba ako sa iba? O gagawin niya sa akin yung ginawa niya kay Sam?
Sa kabila ng pandidiri ko at lungkot, nakaramdam ako ng takot.
Ilang minuto matapos akong ikulong ulit sa room na iyon, bumalik sina Charice at Sandra para dalhan ako ng pagkain. Pagkaing pangmayaman iyon, pero hindi ko ginalaw. Wala akong gana noon. Hindi ako nakakakain sa ganoong sitwasyon.
Lumipas ang mga oras. Nakaupo lang ako sa bed. Yakap-yakap ko ang mga tuhod ko, nag-iisip, umiiyak paminsan-minsan.
Biglang tumunog ang wall clock. Isang tunog lang, kagaya ng tunog ng malalaking relo na naka-set tumunog sa mga itinakdang oras.
Napatingin ako doon. Hatinggabi na pala noon.
Naalala ko bigla sina Lola at Tita Gretchen. Naisip ko, siguradong nag-aalala na sila para sa akin. Malamang, nagpunta na sila sa mga pulis. Baka nga tumawag pa sila kay Daddy.
Siguradong mag-aalala si Daddy.
Naisip ko, makakalaya pa kaya ako? Kelangan pa bang magkaroon ng bigayan ng ransom? Magkano kaya yung hihingin nina Don Manuel para sa kin?
Naalala ko rin sina Lolo Max at Miss Mercy. Siguradong nag-aalala rin sila para kay Emman. Sa loob-loob ko, alam kaya nila kung nasaan kami? Alam kaya nila na yung father ni Emman ang kumidnap sa amin? Hinahanap kaya nila kami? Alam kaya nila na kasama ako ni Emman?
Naisip ko, sila lang ang pwedeng tumalo kay Don Manuel. Sila lang ang pwedeng makapagligtas sa amin.
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.
Nagulat ako dahil doon. Napaatras ako sa ibabaw ng bed na inuupuan ko.
Si Don Manuel. Nakatitig siya sa akin. Pero hindi siya lumapit. Tumayo lang siya sa may pinto. "Gising ka pa pala," sabi niya.
Hindi ako nakaimik. Nadagdagan ang kaba ko dahil nandoon siya. Yumuko ako, umiwas ng tingin. Nagsimula akong magdasal na sana wala siyang gawing masama sa akin.
"Gusto mo, patulugin kita?" tanong niya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, parang nakikita ko na nakangisi siya. At yung ngisi niya, makahulugan iyon. Nakakadiri ang naiisip kong kahulugan noon.
Umiling ako bilang pagsagot. Hindi pa rin ako tumingin.
Tinawanan niya lang ako. "Matulog ka na," utos niya, pagkatapos ay umalis na siya at isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.