8: Unlikely Concern

1.4K 69 4
                                    

UNLIKELY CONCERN

"Araw-araw, iyan ang nararamdaman ko. Mga emosyon ng lahat ng taong nakapaligid sa akin. Kung hindi ko isasara ang sarili ko, mababaliw ako. Naiintindihan mo na siguro ngayon."

Matapos sabihin ni Emman iyon, tinalikuran niya ako at naglakad siya palabas ng gate ng school. Hindi na siya pumasok sa mga sumunod na subjects namin. Nagkaroon tuloy ng issue na baka ma-guidance office na naman siya. Cutting classes kasi iyon.

Pero higit sa issue ng cutting classes, nagkaroon ng tsismis na inaway daw ako ni Emman, na pumapatol na raw si Emman sa babae, na nananakit na raw siya ng babae. Marami rin kasi ang nakakita sa amin noong nagtalo kami. Marami rin ang nakarinig ng pagsigaw ko, na inakala nila na sinaktan ako ni Emman.

"Ano ba talagang nangyari, Sis?" tanong ni Lorie sa akin. "Ano bang ginawa niya sa yo?"

Hindi ako makasagot agad sa mga tanong niya. Hindi ko kasi alam kung papano ko siya sasagutin. Papano ko ipapaliwanag sa kanya yung ipinaramdam ni Emman sa akin, ang pinaghalu-halong emosyon ng lahat ng tao sa school na nararamdaman niya araw-araw?

"Wala namang nangyari," sagot ko na lang. "Nainis lang talaga ako sa kasungitan niya kaya ako napasigaw."

"Ibig mong sabihin, yung sigaw mo na yon, sigaw ng galit mo yon?"

"Oo. Saka hindi naman siguro ako sasaktan ni Emman."

Ngumisi si Lorie. "Ah, hindi nga siguro. Ikaw pa." Makahulugan ang ngisi niya.

  

Kinabukasan, araw ng Biyernes, hindi pumasok si Emman. Walang nakakaalam kung bakit.

Halatang halata naman na hinahanap siya ng mga classmates namin. Marami sa kanila, napapatingin sa bakanteng desk niya paminsan-minsan.

Mula nang magkwento si Emman sa class tungkol sa past niya, mukhang naging malapit na ang loob nila sa kanya.

"Nami-miss mo si Emman, ano?" tukso ni Louise sa kin.

Sinimangutan ko siya. "Anong nami-miss yang pinagsasasabi mo?"

"Tingin ka kasi nang tingin sa desk niya. Uuuy... aminin..."

"Hay naku, Louise. Tigilan mo ko."

"Kunwari pa ito. For all I know, may secret something kayo ni Emman."

"Naku, totoo yan," panggagatong naman ni Lorie. "May something sila. May L.Q. lang sila ngayon."

"Tigilan nyo ko," angal ko. "Nagtataka lang naman ako kung bakit siya absent. Nag-cutting class na nga siya kahapon, di ba?"

"Concerned ang lola..."

"Baka broken-hearted, kaya absent," dagdag ni Thelma, nanunukso din. "Nag-away kayo, di ba?"

Hindi ko na lang sila pinansin. Nag-aalala talaga ako noon kung bakit wala si Emman. Sa loob-loob ko, may nangyari kayang masama sa kanya? May kasalanan ba ko dun? May nasabi ba akong mali sa kanya? Masyado na nga ba akong makulit at pakelamera gaya ng sabi niya?

Pero sana, okey lang siya...

Pagdating ng Sabado, worried pa rin ako kay Emman. Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman kung okey siya.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon