DEALING WITH RUMORS
Monday nang umaga.
Pagpasok ko sa classroom namin, naramdaman ko agad na may kakaibang nangyayari. Nagbubulungan ang mga classmates ko at grupo-grupo sila. At nang makita nila ako, parang bigla silang naging excited.
"Serena, totoo ba?" tanong ng classmate kong si Jill.
Napakunot-noo ako. "Anong totoo?"
"Yung sinabi ni Thelma. Nagpunta raw kayo sa Santa Monica, doon sa dating bahay ni Emman."
Napatingin ako sa ibang kaklase ko.
Lahat sila, nakatingin sa akin, parang hinihintay ang sagot ko.
Tiningnan ko si Thelma. Tumatangu-tango siya sa akin. Parang sinasabi na 'Sige na, sabihin mo na ang totoo.'
Napabuntung-hininga ako at napailing. "Oo," sagot ko na lang. Pero naisip ko, lagot kami pagdating ni Emman. Magagalit yun kapag nalaman niya yung ginawa namin. Lalo na't pinagtsitismisan na siya sa class.
"Totoo ba na may nakausap kayong kapitbahay nina Emman?" tanong pa ni Jill. "Sabi raw, maligno raw si Emman? Salot daw?"
Sinimangutan ko siya. "Nonsense naman yan. Naniniwala ka sa mga maligno?"
Napakibit-balikat si Jill. "Hindi naman. Pero..."
"Hindi naman pala e." Inirapan ko na lang siya. Dumiretso na ako sa desk ko. Pagkaupong-pagkaupo ko ay tiningnan ko si Thelma nang masama.
"Hala, Sis. Galit ka sa kin?" tanong niya.
"Bakit itsinismis mo yung nalaman natin?"
"Sis naman. Huwag ka namang magalit," pakiusap niya.
"Sis, kalma lang," sabad ni Louise, sabay hawak sa braso ko.
"Totoo naman, di ba?" dagdag ni Thelma. "Nakausap natin yung matanda. Sabi niya, maligno raw si Emman. Salot daw. Yung mother niya, nagpakamatay daw. Yung lola niya, inatake raw. Iniwan daw siya ng father niya. At na-rape daw saka nasiraan ng ulo yung friend niya. Hindi naman negative yung naging dating noon sa mga classmates natin. Naaawa nga sila kay Emman."
"So totoo pala," narinig kong sabi ni Lorie.
"Pero hindi mo pa rin dapat ikinalat," sumbat ko kay Thelma. "Hindi naman 100% reliable yung kwento nung matanda. Malay nung matanda kung ano yung details ng mga nangyari. Saka tingnan mo, alam na ng buong class. Siguradong magahalit si Emman. Lagot ka."
Napanganga siya. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko. Hindi yata niya naisip na ganon ang magiging consequence ng ginawa niya. "Hala, oo nga. Lagot ako..."
"Lagot ka talaga. Pati ako, lagot. Baka buong class natin, lagot."
Humawak siya sa braso ko. "Sis, anong gagawin natin? Nakakatakot pa naman si Emman kapag nagagalit."
Napabuntung-hininga ako. "Hindi ko alam."
"Kausapin mo kaya," sabi ni Louise. "Kinakausap ka naman ni Emman, di ba?"
Umiling ako. "Hello! Hindi ko pa kaya siya nakakausap nang matino. Mahirap kaya siyang kausap."
"Subukan mo pa rin, Sis. Please..." pakiusap ni Thelma.
Bigla kong narinig na nagtatawanan ang mga classmates namin. Biglang nawala sa usapan nila yung tungkol kay Emman. Biglang nag-iba-iba ng topic.
Bigla ring nag-iba ang usapan nina Thelma, Louise, at Lorie.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Novela JuvenilA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.