11: Stares and Smiles

1.1K 58 6
                                    

STARES AND SMILES

"Hi Emman!"

"Hello Emman!"

"Good morning, Emman!"

Mga classmates namin iyon, binabati nila si Emman na kapapasok lang noon sa classroom namin.

Kokonti pa lang kami noon sa classroom. Maaga pa kasi. Pero sinadya kong pumasok nang maaga dahil excited akong makita siya. Hindi ko kasi malimutan yung mga nangyari noong nakaraang gabi kung kailan dumalaw siya sa amin kasama si Lolo Max. At tuwing maaalala ko na nakapag-usap kami ng sarilinan at seryoso, kinikilig ako at napapangiti.

Bahagya lang tumango at ngumiti si Emman sa mga classmates namin. Gaya ng dati, tahimik siyang naglakad papunta sa desk niya.

Sinundan ko siya ng tingin. Nakangiti ako. Hinihintay ko siyang tumingin sa akin.

Pero hindi niya ako nilingon. Dumiretso lang siya sa desk niya at umupo doon. Pagkaupo ay sumandal siya agad sa silya niya at saka pumikit.

Napasimangot ako. Sa loob-loob ko, bakit hindi niya ako pinansin? Matapos kaming naging close noong isang gabi, susupladuhan niya na ko ngayon?

Bigla akong nakaramdam ng tuwa. Parang ang saya-saya ko. Weird ang feeling dahil kasalukuyan akong nagtataka noon kung bakit ako sinusupladuhan ni Emman. Bakit ako matutuwa?

Pero naisip ko, siguradong sa kanya galing ang feeling na yon.

Masaya ba siya? tanong ko sa sarili ko. O gusto niya akong maging masaya? Pero bakit hindi niya ako pinapansin?

Tatayo na sana ako para lapitan siya nang biglang pumasok sina Lorie, Thelma, at Louise.

"Serena!" Ang lakas ng boses ni Louise habang papalapit sila sa akin.

Napabuntung-hininga na lang ako at tiningnan sila. "Makasigaw ka naman, Louise," sabi ko.

"Wala lang, na-miss lang kita," sagot ni Louise.

Umupo na sila sa mga desk nila na malapit sa desk ko.

"Musta ang morning, Sis?" tanong ni Lorie. "Aga mo ah."

"At ang aga din ni Emman," sabad ni Thelma, may tonong nanunukso.

Napangiti ako. Napatingin ako kay Emman.

Nakapikit pa rin noon si Emman. Parang wala siyang naririnig.

Nakikinig kaya siya sa amin? tanong ko sa sarili ko. Ramdam niya kaya yung mga emotions namin? O nakasara na naman yung sarili niya?

"Pwede ba, huwag mo kaming sinusundan!"

Si Karen iyon, third year section A student, ang hearthrob ng mga Juniors. Sinisigawan niya si Neil, ang nerd na classmate namin.

Nasa canteen kami noon. Kasama ko sina Lorie, Thelma, at Louise. Kumakain kami ng snacks nang pumasok sina Karen at nakabuntot sa kanila si Neil.

Napangiti na lang ako. Alam na alam kasi sa buong section namin na crush ni Neil si Karen.

"Wala naman akong ginagawang masama ah," sabi ni Neil.

"Anong wala? Nakakairita ka kaya!" sabi ni Karen.

Napatingin ako sa paligid. Nakaramdam ako ng pagkaawa kay Neil dahil sa paninigaw sa kanya ni Karen. Para kasing nasusupalpal siya sa harap ng lahat ng nasa canteen.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon