25: Saying Goodbye

1.2K 57 3
                                        

SAYING GOODBYE

Nagising ako sa isang ospital.

Pagdilat ng mga mata ko, mukha ni Lola ang una kong nakita. "Salamat sa Diyos, gising ka na," sabi niya. Mugtung-mugto ang mga mata niya noon. Sigurado ako, dahil sa pag-iyak iyon.

Nakaramdam ako ng pagsakit ng kanang binti ko. Napatingin ako doon.

Nakabenda iyon, mula tuhod hanggang paa.

"Welcome back," narinig kong boses mula sa kabilang gilid ng higaan ko. "Huwag ka munang kikilos masyado."

Napatingin ako sa nagsalita.

Isang doktor ang nandoon. Nakangiti siya sa akin. "Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?"

Hindi ko siya pinansin. Si Lola ang tiningnan ko.

Nakatitig lang siya sa akin. Hinahaplos niya ang noo ko.

May kumirot mula sa kanang binti ko. Dahil sa kirot, napapikit ako.

Sa pagpikit ko, biglang nag-flash sa isip ko ang mga nangyari, kasabay ang ala-ala ng pinaghalo-halong emotions na naramdaman ko sa mga iyon.

Si Emman. Kasama ko siya. Umiiyak siya...

"Sana hindi na lang binuhay ng Diyos ang mga katulad ko. Sana namatay na lang kaming lahat..." 

Mga lalaki. Sumusugod sila papalapit sa amin...

"Hayup ka! Huwag kang magtago sa mga tau-tauhan mo! Harapin mo ako! Duwag!"

Si Emman. Nakakulong siya, nakapikit, nanginginig dahil sa drugs... 

"Tinurukan nila ako ng gamot. Hindi ako makalaban nang todo..."

Si Janella, nire-rape siya ni Emman...

"Sorry... Hindi ko nalabanan..."

Si Don Manuel. Tumatawa siya...

"But that's pathetic, Iha..."

Si Janella. Naghihingalo siya. Pinatay siya ni Emman...

"Ngayon mo sabihin na mahal mo ako..."

Si Don Manuel. Binabastos niya ako. Wala akong magawa...

"Ganyan nga, Serena..."

Si Emman. Nakatayo siya sa may pinto at galit na galit...

"Hindi ka tumupad sa usapan! Hindi mo siya dapat pinakelaman!"

Si Emman. Nakatingin siya sa akin. Nag-aalala siya. Mahal niya ako. Pero parang nagpapaalam siya...

May sumabog... 

May nasusunog... 

May baril na pumutok... 

Si Emman. Nakahiga siya sa sahig. Duguan siya...

"EMMAAAAANNN!" sigaw ko, sabay balikwas.

"Serena, Iha," sabi ni Lola. Niyakap niya agad ako. Hinagod niya nang hinagod ang likod ko.

Sa bigat ng pakiramdam ko noon, napaiyak ako. Umiyak na lang ako nang umiyak.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon