MALIGNO
"Seryoso ka, Serena?"
Si Thelma iyon, gulat na gulat. Sabi ko kasi, hahanapin namin sa Santa Monica yung mga relatives ni Emman.
"Oo, seryoso ako," sagot ko.
"Hahanapin natin yung relatives ni Emman?"
"Oo."
"Bakit?"
"Basta. May gusto akong malaman."
"Ano?"
"Yung mga tungkol sa kanya. Bakit siya napunta sa Santo Nino? Anong nangyari sa kanya dito?"
"O.M.G., Serena! May gusto ka ba kay Emman?"
"Ano bang klaseng tanong yan? Noon ko pa sinasabi na curious lang ako, di ba?"
"Sumama ka ba dito dahil sa objective mo na yan?"
"Ito naman, parang hindi friend. Sige na, samahan mo na ko..."
Nasa Santa Monica kami noon. Invited kami ng boyfriend niyang si Henry sa town fiesta ng wife ng eldest kuya niya. Medyo distant na ang connection nila pero ganon yata talaga sa province, basta fiesta, parang may reunion.
Matapos ang mahabang discussion, napapayag ko naman si Thelma na samahan ako. Actually, isinama pa niya si Henry para raw may kasama kaming lalaki. Nagpaalam na lang kami sa mga relatives ng wife ng kuya niya na mamamasyal. Tutal, fiesta naman.
Nagtanong-tanong kami sa mga tindahan, botika, at maging sa health center kung alam nila kung saan nakatira ang mga Malvar. Malvar kasi ang middle name ni Emman. At ang sabi ni Lola, mother-side relatives daw ni Emman ang nakatira doon sa Santa Monica.
Pero marami na kaming napagtanungan ay wala pa rin kaming makitang clue kung saan matatagpuan ang mga Malvar.
"Pagod na ko, Serena," reklamo ni Thelma. "Ang hirap hanapin ng mga hinahanap mo."
"Patience naman, Sis," sagot ko sa kanya. "Makikita din natin sila. Bawi na lang ako sa inyo. Kapag nakita natin sila, ililibre ko na lang kayo ng snack."
"Kanina mo pa sinasabi yan. Gutom na ko. Down payment naman diyan."
Napangiti na lang ako sa kanya. Napalingon ako sa isang karinderya sa di kalayuan. Naisip ko, pwede na doon. Mukha kasing walang snack bar, fast food, o kahit anong disenteng kainan doon. "Sige na nga. Okey lang ba doon?" Itinuro ko ang karinderya.
Lumingon ang dalawang kasama ko.
"Pwede na dun," sagot ni Thelma. "Gutom na gutom na talaga ako."
Napangiti naman si Henry. "Pwede-pwede ka diyan. Diyan kaya may masarap na pansit malabon saka halo-halo dito sa Santa Monica."
Agad naming tinungo ang karinderya. Umorder kami ng pansit malabon saka halo-halo. Habang kumakain kami, napansin ko na maraming bumibili ng pansit doon, usually nagpapabalot. Sa loob-loob ko, mukhang tama si Henry. At totoo naman na masarap ang pansit nila at halo-halo.
Si Thelma naman, sa pagod at gutom yata, walang kaimik-imik habang kumakain. Punung-puno ang bibig niya at si Henry pa ang pumipigil sa katakawan niya.
Pero kahit kumakain kami, si Emman pa rin ang naiisip ko.
"Ate, may kilala po ba kayo dito na Malvar ang apelyido?" tanong ko sa tindera.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Novela JuvenilA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.