1: The Outcast

2.4K 81 20
                                    

THE OUTCAST

"Yan ba yung bagong transferee sa Fourth Year?"

"Ang ganda naman..."

"Ang taray kamo."

Pagpasok na pagpasok ko sa gate ng Santo Nino* High School, puro tingin at bulungan ang sumalubong sa akin. First day iyon ng pagpasok ko sa school na iyon. Nag-transfer ako galing sa Maynila dahil wala na akong relatives doon. Nag-abroad na si Daddy at nilalakad na niya ang papers ko para ma-petition niya ako.

"Balita ko, galing daw sa Maynila yan?"

"Balita ko, matalino raw yan..."

"Tumahimik nga kayo. Baka marinig kayo. Hindi nyo ba alam? Pamangkin ni Mrs. Zabala yan."

"Ganun ba? Hala, lagot..."

Napailing na lang ako sa mga naririnig kong bulungan. Totoo naman ang mga sinasabi nila. Sa Manila Science High School ako nanggaling, honor student ako noong nakaraang taon, at tita ko ang principal ng Santo Nino High na si Mrs. Gretchen Zabala. Kapatid siya ni Daddy at sa kanila ako nakatira habang hindi pa ako kinukuha ni Daddy.

Dumiretso ako sa room 212, ang classroom ng Section One kung saan ako nakalista. Pagpasok na pagpasok ko sa room ay natahimik at nagtinginan sa akin lahat ng mga estudyanteng nandoon. Yung mga lalaki, parang natulala. Yung mga babae naman, parang nagseryoso. Parang tinatantya ako.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng mauupuan. Hindi ko alam kung may seating assignments kami o wala, kaya nagdadasal ako noon na sana ay may kumausap sa akin para mapagtanungan ko. May pagkamahiyain naman kasi ako.

"Hi!" bati sa akin ng isang kaklase kong babae na nakaupo ilang hakbang sa kaliwa ko.

Sa loob-loob ko, thank you Lord sa answered prayers! "Hello!" sagot ko sa kanya.

"Ikaw yung transferee?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo." Inilahad ko ang kamay ko. "Serena. Serena Diaz."

"Wow naman the name! Pang-T.V.! Ako si Lorie. Lorena Delgado." Kinamayan niya ako.

Muli akong lumingon-lingon. "Ah, saan ba ko pwede umupo?" tanong ko.

Nginitian niya lang ako at itinuro ang bakanteng silya sa tabi niya. "Magkatabi tayo. Alphabetically arranged ang mga upuan dito. Delgado, Diaz. Dito ka..."

Napangiti ako. "Ah, ganun ba? Okey pala." Lumapit ako at pumuwesto sa bakanteng silya. Nasa pangatlong hanay iyon, sa kanang row. May apat na silya sa bawat hanay at dalawa ang rows. Ang silya ko ang pinakamalapit sa gitna na naghihiwalay sa dalawang rows.

Nginitian ako ng babaeng nakaupo sa harap ko. "Hi..." bati niya sa akin.

"Hello," bati naman ng katabi niya na nakangiti rin.

"Hello," sagot ko sa kanila.

"Uy, Girls, meet Serena," sabi agad ni Lorie. "Serena, meet Thelma and Louise, my classmates and friends."

"Serena?" tanong ni Thelma na parang tuwang-tuwa sa pangalan ko. "Ang sosi naman ng name mo. Pang-T.V."

Nginitian ko lang siya. "Hindi naman." Pero naisip ko rin, pang-T.V. daw? Kung alam nyo lang kung anong bansag sa akin sa dati kong school. Tinatawag akong 'sirena'. Kainis...

Bumalik sa normal ang ingay ng classroom na naudlot noong pumasok ako. Nagpatuloy ang masayang kuwentuhan, kulitan, at may nagbabatuhan pa ng mga nilamukos na papel.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon