20: Runaway

901 46 0
                                    

RUNAWAY

Alalang-alala ako kay Emman sa sumunod na araw. Hindi siya mawala-wala sa isip ko, pati na ang mga emotions na naramdaman ko noong nagwala siya. Oo nga, halos mabaliw ako noong nagwala siya, pero alam ko naman kung anong dahilan noon.

Nasaktan siya, sobra. Siguro, umaasa siya na isang araw, magiging okey na si Sam at magkikita sila ulit. Pero hindi na mangyayari iyon. Wala na si Sam. Patay na siya.

At parang dinudurog ang puso ni Emman dahil doon.

Kawawa naman siya...

Ilang beses din akong tumawag kina Emman noon araw na iyon. Linggo naman noon. Wala akong ginagawa. Si Miss Mercy ang nakasagot sa lahat ng tawag ko. Sabi niya, okey naman daw si Emman. Hindi na raw nagwawala. Yun nga lang, laging umiiyak, laging nagkukulong sa kuwarto, at halos hindi raw kumakain.

Lalo tuloy akong nag-aalala sa kanya.

Pagdating ng Lunes nang umaga, malungkot pa rin ako. Nag-aalala pa rin ako para kay Emman. Hindi ako sigurado noon kung papasok siya sa school. Malamang, hindi pa niya kaya.

Nasa sala ako at nag-aayos ng bag ko nang biglang mag-ring ang phone. Wala pang alas-syete noon pero nakabihis na ako para pumasok sa school.

Agad kong sinagot ang tawag. "Hello?"

"Serena..." 

Nagulat ako. Boses iyon ni Emman, malungkot. Sobrang lungkot. "Emman? Ikaw ba yan?"

"Oo."

Halo-halong emotions ang naramdaman ko noon. Na-excite ako dahil kausap ko siya. Natuwa ako dahil siya pa ang tumawag sa kin. Pero nag-aalala ako kung ano nang nangyayari sa kanya. At dahil malungkot siya at alam kong nagluluksa pa siya, nalungkot na rin ako. "Kumusta ka? Ano nang nangyayari sa yo?"

Bigla akong nakarinig ng kakaibang ingay. Parang busina ng bus. At noon ko lang napansin, parang maingay sa pwesto niya. Parang maraming tao. Parang hindi Santo Niño.

"Pwede mo ba kong tulungan, Serena?" tanong niya.

"Oo naman," sagot ko agad. "Pero teka lang, nasaan ka ba? Bakit ang ingay diyan sa pwesto mo?"

"Nasa Maynila ako..."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"

"Sabi nung kunduktor ng bus, Ortigas daw ito."

"Nasa Manila ka?"

"Oo. Kanina pa ko dito. Madaling araw akong umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta mula dito..."

Napaisip ako. Ang alam ko kasi, wala siyang alam sa Manila. Napapag-usapan lang namin dati kung papano pumunta doon, pero ni minsan, hindi pa siya nakakapunta doon.

Anong ginagawa niya doon? tanong ko sa sarili ko. Hahanapin ba niya si Sam? Pinayagan siya nina Lolo Max?

"Sinong kasama mo, Emman?" tanong ko.

"Wala," sagot niya. "Ako lang."

"Pinayagan ka?"

"Lumayas ako."

Nanlaki na naman ang mga mata ko. "Bakit ka lumayas?"

Biglang humina ang boses niya, naging garalgal. "Gusto ko lang namang dalawin si Sam," sagot niya. "Kahit yung libingan niya lang..." Parang umiiyak siya.

Nanlumo ako dahil doon. Awang-awa ako sa kanya. "Emman, mag-aalala sa yo yung lolo at tita mo..."

Hindi siya sumagot. Nakarinig lang ako ng mga ungol. Umiiyak nga siya.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon