FAITH’S POV
Hindi ako pumasok kinabukasan. Tinatamad ako e.. sinabi ko na lang kila Mommy na hindi maganda ang pakiramdam ko, which is true kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam ko, Iniisip ko pa lang yung planong surprise ni Kelvin kay Laila sumasama na ang pakiramdam ko e.
Tsk!
Narinig kong may bumusina. Si Kelvin na yun for sure. Ayoko din siyang makita ngayong araw na ‘to.
Narinig ko namang may kotseng umalis na.. umalis na siguro yun. Kaya bumaba na ako para kumain ng breakfast nagugutom na ko e.. Hindi pa naman din ako kumain kagabi.
“Goodmorning Kuya.”
Si kuya lang kasi andito e.. pumasok na siguro sila Dad and Mom.
“Morning.. akala ko ba may sakit ka? Dadalan na sana kita ng food dun e.”
Naks naman sweet talagaa ni kuya oh!
“Hindi naman ako paralize kuya ‘no.”
“Alam ko ayoko lang lumala. Tyaka naglalabing lang ako sa baby sister ko e.”
Nilapitan ako ni kuya at ginulo ang buhok ko. Tsk! Hanggang ngayon ginagawa pa din akong bata ni kuya e.. Hindi na kaya ako baby nagmamahal na nga ako e. Hahaha
“Ammm sis?”
“Yep?”
“Wala ka namang sakit e.. galing mo talaga umarte!”
“Anong problema mo? You can always tell to kuya like the old times.. “ dugtong niya sabay ngiti
Hahaha kilalang kilala talaga ako ni kuya.
“Wala naman kuya.. I just don’t feel like going to school today.”
“Ako pa niloko mo? Kagabi ka pa ganyan ah.. Hindi ka naman nag skip ng dinner kahit kumain kana sa labas kakain at kakain ka pa din ng dinner dito sa bahay kasi hindi kumpleto ang araw pag di ka nagdinner dito.”
Ano ba yan wala na ba akong maitatago kay kuya?! Tsk!
Nginititan ko na lang si Kuya at kumain.
Ipapakilala ko sa inyo si kuya.
Patrick Fajardo, 2nd year college taking up Business Administration. Siya kasi ang tagapagmana ng mga business nila dad and mom syempre tutulong ako baling araw. Si kuya, siya lagi ang kakampi ko. Super close kami. GWAPO ang kuya ko! Mana saken.. hahaha.. Pero seryoso gwapo ang kuya ko. At habulin ng mga babae pero hindi yan playboy ah.. iisa lang ang babaeng mahal niyan at syempre kilalang kilala ko yun si ate Kyla.. Ang ate ni Kelvin.
Back to story. Pagkatapos kong kumain umakyat na ko sa kwarto ko. Gusto ko magpahinga buong araw. Nagfacebook lang ako. At ayun si Chester my friend request sa akin at dahil friends na kami aba’y syempre confirm agad. Browse browse lang ng kung ano ano at nung wala na akong magawa pinatay ko na lang yung laptop ko at nahiga sa bed ko.
At hindi ko na maalayan na nakaatulog na paala ako..
ZZZZzzzzzzzzzzzzzzzz……………..
*yawn* unat unat ng kamay pero hindi pa ako nagmumulat tinatamad pa ako e. hehe Ako na ang tamad!
“Ang tagal mo namang gumising.”
Tsk nananaginip pa ba ako? Pati ba naman sa panaginip si Kelvin pa din!
“Tsk! Faith gising ka na!”
Teka parang totoo yun ah!!
(-__-)(~_o)(o_~)(o_o) (O_O)- ako yan habang minumulat ang mata ko..
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Ficção Adolescente"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...