Chapter 25 - CRAP!!! AYOKO NA MAG-ISIP!!!

195 8 6
                                    

KELVIN’S POV

Oo badtrip nga ako buong umaga! Naiinis na din ako sa sarili ko!

Nilapitan ako ni Faith nung lunch time.

“Sows!!! Wag mo ng isipin yun mahal ka din nun.”

Sinabi niya yan. Napangiti ako sa naisip ko. Ang mismong babaeng kanina ko pa iniisip ang nagsabing mahal daw ako ng babaeng iniisip ko. Bakit parang nakakagaan sa pakiramdam ang isiping yun? Parang ang sarap isiping mahal nga ako ni Faith more than being her bestfriend?

Kaya tuloy nasabi kong “Sana nga.” Pero si Laila ang alam ni Faith na iniisip ko kaya okay lang na nasabi ko yun.

Bakit parang naramdaman kong hinihiling ng puso ko n asana totoo na lang yun?

Teka ang corny nun ah!

Ang gay!!!

Baka gutom lang ‘to. Tama gutom lang ‘to.

Saka bakit ko ba yun naisip? E si Laila naman ang mahal ko.

Dapat ko lang sigurong makita si Laila para matigil na ang kabaliwan at kung ano anong bagay na naiisip ko.

Pinuntahan ko si Laila at ngayon kasama ko siya dito sa canteen.

“Sino bang hinahanap mo?” si Laila

Kanina ko pa kasi hinahanap si Faith pero hindi makita, saan naman kaya yun kumain? Baka naman biscuit na naman ang kinain nun. Tsk! Dapat pala sinabay ko na lang yun maglunch e.

“Hoy!” si Laila ulit

“Ha? Ah.. wala hinahanap ko lang si Faith. Sabi niya dito sa canteen din siya maglalunch e. Hindi ko naman siya makita.”

Patuloy pa din ako sa paglingon lingon kung saan saan sa loob ng canteen pero wala akong Faith na makita. Napansin kong hindi na nagsalita si Laila kaya nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

“Ano namang ibig sabihin ng ngiting yan?” ako

Umiiling iling siya habang nakangiti ng nakakaloko at nagpatuloy sa pagkain.

“Ewan ko sayo Kelvin. Bakit hindi na lang siya ang sinabay mong maglunch kung hahanapin mo lang din naman pala siya?”

Bakit nga ba? Dahil gusto kong makita si Laila? O may gusto lang talaga akong malaman na si Laila lang ng makaakasagot nun?

Dapat ko bang itanong yun?

Hindi kaya nakakahiya yun?

“Ammm… may gusto kasi akong itanong sa iyo e.”

“Ano yun?”

Crap! Eto na!

“Ahm.. Ano.. Ah… Kasi.. Pano ba ‘to?”

Sh*t! Di ko ata kayang itanong!

“Kelvin tungkol na naman ba ‘to sa ating dalawa?”

“Hindi. Hindi tungkol dun. Ano.. ahm..”

“Kelvin ano ba kasi yun?”

Bakit ba hindi ko maitanong?

Nahihiya ba ako? o Natatakot lang ako sa isasagot niya?

“Fine. Tungkol kay Rex at Faith.”

There. Natanong ko na.

Nakayuko lang ako at nakatingin sa pagkain ko nang itanong ko yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon