FAITH’S POV
Uwian na!!! Nang lingunin ko si Cindy sa tabi ko likod na lang niya palabas ng room ang nakita ko. Ang babaeng yun mukhang tinatakasan ako. Binilisan ko ang pagligpit ng gamit ko para habulin siya.
Naabutan ko siya at hinawakan sa balikat.
“Hoy bruha! San ka pupunta ha?”
“Ha? Uwian na diba? edi uuwi na ako.”
“May i-explain ka pa sa akin diba?”
“Ano naman yun aber?”
Aba ang babaeng ‘to lulusot pa!
“Gusto mo ba talagang sabihin ko pa? Dito mismo?”
Lumingon lingon siya paligid at hinila ang kamay ko paalis sa tapat ng classroom. At naglakad papuntang gate palabas ng school.
“Oo na, oo na! Ikwekwento ko na ang nangyari. Sa bahay kana mag dinner.”
“Ha? Hindi pwede e.”
“Bakit naman? Naku dahil na naman yan kay Kelvin no?”
“Cindy nag aalala lang ako kay Kelvin. Hindi mo naman ako masisisi, nakita ko kung paano siya naapektuhan ng makita namen si Laila na may kasamang lalaki kanina.”
“Yeah. I know, I know. Edi ikaw na ang apektado!.”
Ngumiti ako ng matabang bilang sagot sa sinabi ni Cindy.
Maya maya ay nakarating na kami sa bahay ni Cindy. Pinilit niya akong sa bahay nila maagdinner. Cindy is my bestfriend also. At ayoko namang magkulang sa isa pang matalik kong kaibigan ng dahil kay Kelvin. Napanatag na din naman ako sa sinabi ni Jared na nakauwi na si Kelvin kanina.
“O simulan mo na.” -ako
“Wow! Excited lang masyado ‘te? Tara na sa kitchen, I explain while were eating.”
“Gusto ko lang po malaman kung anong nangyayari sa lovelife ng bestfriend ko.”
“LOVE LIFE???? What the heck is your talking about Faith Fajardo?”
“O e diba you have a boyfriend na named CHESTER CORDOVA?”
Talagang pinagkadiinin ko ang name ni Chester. Wala lang pang-asar lang. Namiss kong asarin ang bestfriend ko e.
“Cut it off Faith! Hindi nakakatuwa!”
See what I mean?
“Hahaha.. Napakapikon talaga nito!”
Nauna na siyang maglakad papunta ng kitchen nila at inabutan kong nagsimula na siyang kumain. Ang takaw din talaga ng babaeng ‘to! Isa sa pinagkasunduan namen ANG PAGKAIN maliban sa sweet foods.
“Hey! Tama na muna ang lamon. Magkwento ka kaya muna?”
“Mamaya na! Kumain ka na muna jan.”
“Cindy!!!”
“Fine fine.. Ganito kasi yun.. Kanina sa canteen pag alis mo…”
FLASHBACK
CINDY’S POV
“Hi!”
Hindi ko na kailangan pang lingunin ang may ari ng boses nay un dahil alam na alam ko na kung sino! Hinarap ko siya at plano kong lampasan na lang siya. Pero ang loko sadyang hinarangan ang daanan ko.
“Excuse me Mr. Cordova! Malaki kang hadlang sa daraanan ko papuntang canteen.”
Nanatili pa din siyang nakatayo sa harapan ko. Ang lokong ‘to! Habit na atang sirain ang araw ko!
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Roman pour Adolescents"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...