FAITH’S POV
Mabilis na lumipas ang isang buwan pero wala pa ring nangyaring pagbabago kay Kelvin ganun pa din siya. Pumapasok lang kung kelan niya gusto at nagkacutting classes kung kelan niya rin gusto, although palagi siyang umaattend ng practice nila, mahahalata pa ding wala siya sa sarili habang naglalaro. Pag lunch time naman at naisipan niya mag lunch sa school nilalapitan ko siya sa table nila at binigyan ng vitamins, alam ko namang mas kailangan niya yun ngayon. Hindi ko na din siya na kakasabay pumasok at umuwi, palagi akong pumupunta sa gym para panuorin siya mag practice, dalan siya ng towel at tubig pero katulad dati ang lamig pa din ng pakikitungo niya sa akin at bigla bigla na lang umaalis ng hindi nagpapaaalam sa akin.
Si Kelvin na hindi marunong uminom ng alak ngayon ay natuto na. Lagi siyang sumasama sa mga teammates siya pag pumupunta sa bar na hindi naman niya dati ginagawa. Hay.. Nagbago na talaga siya. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang Kelvin na minahal ko ng matagal na panahon. But still I can’t help it. I can’t stop my heart beating for him.
Ako naman eto lalong lumalaki ang eye bags ko, dahil lagi akong walang tulog sa weekdays, sa weekends na lang ako bumabawi ng tulog. Kailangan kong gawin lahat ng requirements ni Kelvin sa school para hindi bumaba ang rank niya. Walang problema sa mga quizzes at exams dahil kahit hindi siya magreview matataas pa din naman ang nakukuha niya hindi nga lang katulad ng dati. Wala pa ring alam si Kelvin sa gigawa ko dahil ayoko rin namang ipalam sa kanya ‘to. Ilang beses na akong kinausap ni ate Kyla na tigilan ko na ang ginagawa ko pero hindi ako nakinig. Hindi niya ako masisisi ayoko nang madagdagan pa ang problema ni Kelvin kung sakaling bumaba ang rank niya siguradong magagalit sina Tita at malalaman ang pinaggagagawa niya.
Nandito ako ngayon sa library kasama si Cindy at Chester, dahil hindi siya tinitigilan ni Drake talo siya sa deal kaya ayan laging magkasama ang dalawa. And as usual para gumawa ng paper works namen ni Kelvin. Malapit na ang Christmas vacation kaya ang daming pinapagawang kung ano ano ang mga teachers namen.
“Tapos na kami. Ikaw ba?” - Cindy
“Tapos na din yung akin. Nagugutom na ba kayo? Sige mauna na kayo susunod ako mamaya.”
Kinakausap ko sila ng hindi tinitignan nakafocus lang ako sa paper works na ginagawa ko. Kailangan ko magi sip ng ibang topic para kay Kelvin at yun ang ipapasa ko.
Narinig kong bumuntong huminga si Cindy kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko naman kung anong ibig sabihin ng buntong hiningang yun.
“Faith magpahinga ka naman. Masyado mong inaabuso ang katawan mo. Tigilan mo na yan.”
“Cindy naman alam mo naman ang dahi—
“Tama si Cindy, Faith. Hindi na biro ang gigawa mong sakripisiyo para sa kanya. Oo nga mahal mo siya, pero natanong mo na ba sa sarili mo kung worth it ang ginagawa mo sa kanya? Or worth it ba siya sa pagmamahal na binibigay mo sa kanya? Alam ko Faith na hindi ka namen mapipigilan sa gusto mong gawin pero nag-aalala kami sa nangyayari sa’yo. Tignan mo yang mata mo, luluwa na sa laki ng eyes bags mo, ang laki pa ng pinayat mo dahil halos hindi ka na kumakain sa paggawa mo ng mga paper works niya. Faith hindi lang kami ni Cindy ang nag-aalala at nahihirapan na nakikita kang ganyan. Kahit si Jared, sobra sobra na din ang pag aalala sa’yo.” Bumaling siya kay Cindy. “Tara na Cindy. Hindi mo na siya mapipilit sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Titigil din yan pag bumalik na sa tamang pagiisip.”
Nawala na ng tuluyan ang focus ko sa ginagawa kong paper works. Napaka seryoso ni Chester habang sinasabi niya ang mga bagay na yun. Oo nahihirapan at napapgod na din ako sa ginagawa ko, pero pag naiisip ko si Kelvin nawawala lahat ng hirap at pagod na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Fiksi Remaja"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...