CHAPTER 9.1 - I Thought It Was My Worst Birthday Ever

157 3 0
                                    

FAITH’S POV

“LAILA!!!!” – Kelvin

I heard Kelvin shout and when I look at them I saw Kelvin running after Laila…

OH-KAY??? WHAT HAPPENED??

Agad kong sinundan si Kelvin hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko ayaw kong makialam sa relasyon nila but there is something na nagsasabi na I should follow Kelvin so I did, I went out to the restaurant and I saw Kelvin standing at the side of the road.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya…

“What happened?”- Me

He didn’t answer but instead he hugged me so tight and I heard him sobbing. Is he crying??.

SH*T!!!! what happened???

Hindi na din ako nagsalita and I hugged him back. I know his hurting now and I don’t know the reason why.

After I few minutes, tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin and I saw his smile but I know its fake and a sad smile. I saw sadness and pain in his eyes at that moment.

“Uwi na tayo?” – Kelvin

I know he need someone and I know that he wants Laila right now, I can’t be Laila and I will never be that Laila because I will never hurt him but I will be his bestfriend he always have.

I smile and said…

“Ayoko pa. I want  go somewhere.. Want to come with me?” and inabot ko sa kanya ang kamay ko.

“Silence means yes! Tara!” at hinila ko siya at sumakay kami ng taxi.

“San tayo puppunta? And bakit nagtaxi pa tayo? We can use my car you know?”

“Chillax ka lang dyan Mr. Laxamana. Para surprise kung san tayo pupunta for sure magugustuhan mo dun. And syempre dagdag kita na din ‘to ni Manong driver di ba po manong?” at ngitian ko si manong para sakyan naman ang rason kong walang kwenta haha.

“Oo nga naman po Sir. Kulang pa nga kita ko kaya hindi pa ako umuuwi e. Sir ang sweet po ng girlfriend niyo siya pa nag-iisip kung san kayo magd-date ang swerte niyo po sa kanya at ang gandang bata pa.”

Waaahh!! Manong naman!! Tama na ang isang ‘oo’ ang dami mo pang sinasabi e!! Feeling ko tuloy nag-iinit na ang mukha ko at nahihiya na akong harapin si Kelvin!

“Ha-ha-ha!! Patawa ka naman Manong! Hindi ko po siya boyfriend, bestfriend ko lang po siya.”

“Ay sorry po Ma’am, bagay na bagay pa naman po kayo. Naku Sir kung wala po kayong girlfriend ligawan niyo na  po si Ma’am bago pa mapunta sa iba yan.”

OH MY GOSH MANONG!!!! Tama ka dyan!!! Makinig ka kay Manong Kelvin he’s telling the truth!! Hahaha

“Si Manong tala---

“Talaga Manong bagay ba kami? Ano sa tingin niyo pag niligawan ko siya sasagutin niya ba ako?”

WHAAAATT???? Anong pinagsasabi nitong Kelvin na ‘to? Bigla na lang siyang umakbay sa akin kaya hindi naiwasang mapatingin sa kanya! At nakita kong nakatingin na pala siya sa akin and he is smiling!!

ANO BA ‘TO??? Bakit ako kinikilig?? Alam ko namang sinasakyan niya lang si Manong!! Waaahh!! Pwede bang pag bigyan niyo na akong mangarap na sana totohanin niya lahat ng sinabi niya. At OO NAMAN ‘no!! Sasagutin kita agad hinding hindi na kita papahirapan pa!!!

“Bakit di niyo na lang siya tanungin kung may pag-asa kayo sa kanya Sir? Sa gwapo niyong yan sigurado ako mahal ka din niya.”

Napatingin ako kay Manong driver sa huli niyang sinabi. NAKNANGPUTS!!! Pano naman nalaman ni Manong na Mahal ko nga si Kelvin!! OH MY GOD!! Ramdam ko na talaga ang pag-iinit ng mukha ko and I am really sure na namumula na angpisngi ko!! At hindi na rin ako makasingit sa usapan dahil parang may bumara na sa lalamunan ko.

“May pag-asa nga ba ako sa’yo Faith?”

Waaahh!!! Seryoso ba siya sa tanogn niya???? Oh My Gosh!! Bakit ang seryoso ng mukha niya! Masyado na akong natutuwa sa mga binibitiwan niyang salita!!! Pag-asa?? May pag-asa?? Hindi na tinatanong yan Kelvin dahil Mahal na Mahal kita!!!

“Sagutin niyo na ang tanong niya Ma’am baka umatras pa yan.”

Epal naman ni Manong eto na nga oh sasagutin ko na ang tanong niya!

“HA-HA-HA” yan lang po ang lumabas sa bibig ko! Napaka rami kong gustong sabihin e!! Sorry naman kinakabahan ako e!

“Mamahalin mo ba ako?”

“OO naman ‘no!!! Hindi ka mahirap mahalin kaya nga MAHAL NA MAHAL KITA e.”

Nang bitiwan ko ang mga salitang yun natulala na lang ako at tinignan ang magiging reaction niya at hindi ko alam ang nakita ko sa mata niya I can’t explain nung una nakita kong parang naging masaya siya then all I can see right now is sadness all over his face!!

NAKNANGPUTS!!!!!!

PWEDE PA BANG BAWIIN!!!!!

OH MY GOSH HINDI PWEDE ‘TO!!! ANG FRIENDSHIP NAMIN!!!

Sobrang nanlalamig na ang mga kamay ko. Naiisip ko palang ang magiging epekto nito sa amin parang hindi ko na kakayanin!!

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko siyang nakangiti.

Ngunit ang mga sumunod na binitiwan niyang salita ang muling nakapagpatigil sa pagtibok ng puso.

“Alam ko naman yun e! Kaya nga Mahal na mahal din kita di  ba?

Dahil BESTFRIEND kita.”

TAENA!!! Pwede bang bumaba na ako ngayon sa taxi na ‘to at magpasaga na lang sa unang truck na dumaan? Kasi masmasakit pa sa kahit na anong physical na pambubog, saksak o sugat ang nararamdaman ko ngayon!! What do I expect nga naman kasi di ba? Talaga ngang EXPECTATION HURTS!!! Yeah right he loves me because I am his BESTFRIEND!!! BESFRIEND LANG AKO!! It’s a fact that will never change.

Inipon ko lahat ng lakas ko upang pigilan ang mga luhang alam kong anytime maglalandas na sa mga pisngi ko at pinilit kong ngumiti kahit na sobrang nasasaktan na ako.

“Sayang manong e, may MAHAL NA KASI AKONG IBA.” – Kelvin

OUCH!!!! TANG*N* naman Kelvin!! Hindi ka pa ba titigil??? Durog na durog na ‘tong puso ko o! Hindi mo ba nakikita???

Masyado nang masakit ang mga sinabi niya at hindi ko na nga nakayanan. Binaling ko na lang labas ang tingin ko at pasimpleng pinunas ang mga nakawalang luha sa mga mata ko.

UGH!!! LINTIK na mga luha ‘to!! Makisama naman kayo utang na loob wag ngayon!!

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon