Chapter 21 - Time To Do My Part

139 3 0
                                    

FAITH’S POV

“Good afternoon sleepyhead! Bumangon ka na dyan.”

“Hapon palang kuya? Saglit pa lang pala ako nakatulog mula nung hinatid mo ako.”

“Saglit? Oo nga, saglit lang ang more 32 hours mong tulog. Baka kulang pa yun sige matulog ka pa.”

“Ha-Ha-Ha. Nakakatawa ang joke mo kuya.” Sarkastiko kong sabi.

“Ayaw mong maniwala?”

“Tse! May pagkain ba sa baba? Gutom na gutom ako e. Parang isang araw akong hindi kumain.”

“Hahaha!!! Magugutom ka talaga sa tulog na ginawa mo. O siya sige maligo ka na, pagkatapos mo bumaba ka na ihahanda ko ang pagkain.”

Mabilis lang akong naligo at nagbihis dahil gutom na gutom na talaga ako. Agad akong bumaba at pumuntang kusina lalo naman akong nagutom sa amoy ng paborito kong ulam.

Hmmmm..Amoy palang ginaganahan na talaga akong kumain.

“Kumain ka na.”

“Kahit hindi mo yan sabihin kuya kakain talaga ako!”

Umupo na ako at agad kong nilantakan ang spicy chicken adobo na nasa harap ko. Ang sarap sobra!!! Ewan ko ba kung dahil sa sobrang gutom ko lang ba at nalalasahan kong parang luto ito ni Kelvin, pero napakaimposible naman nun. Paano naman magluluto yun e nakaratay pa sa hospital at asa namang ipagluluto ako nun, hindi nga ako pinapansin lately e.

“Hoy! Dahan dahan naman! Mabulunan ka niyan sa gingawa mo. Wala ka namang kaagaw dyan dahil sabi ng nagluto para daw sa’yo lang yan.”

Bigla naman akong napaangat ng ulo at napatingin kay Kuya. Hindi niya luto ‘to? Sabi ko na nga ba e. Hindi ganito kasarap magluto si Kuya e. Hahaha Sorry kuya.. E kanino pala ‘to galing?

“Sino nagluto nito?”

“Dessert anyone?”

Bumaling ako sa taong nagsalita at laking gulat ko ng makita ko si Kelvin, na may hawak ng box ng cake. Halata pa din ang ilang pasa sa mukha niya at ilang gasgas sa braso nito pero hindi yun nakabawas sa pagkagwapo niya, maslalo pa nga atang naging gwapo ang mokong e.

“I guess that’s the answer to your question.” –Kuya Patrick

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.. Gosh!! Thank God okay na siya.

“Hey. Hindi na ako makahinga.”

“Ay sorry… Buti naman nakalabas ka na agad ng hospital kanina lang nang umalis ako hindi ka pa gising e.”

“Yep kanina lang ako nakalabas. At kahapon pa ako gising.”

“Ha? Anong kahapon e kagabi ka lang nga naaksidente e. At speaking of aksidente, nakakainis ka Kelvin! Walang hiya ka! Hindi mo na ginamit ang utak mo! Sinong matinong tao ang magdradrive ng lasing ha? Paano kung hindi lang yun ang inabot mo?!! Nakakainis ka talaga alam mo bang pinag-aalala mo ako ng husto ha?”

Habang sinasabi ko yun hindi ko na napigilang umiyak at hinahampas ko siya sa dibdib nakakainis kasi talaga siya.. halos ikamatay ko na ang pag aalala sa kanya.

“Paano na lang kung nawala ka sa amin ha? Paano na lang kung.. kung… kung.. Hay basta nakakainis ka talaga!”

Bigla akong niyakap ni Kelvin at hinaplos ang buhok ko…

“Tama na.. Wag mo na ankong sabunin sa sermon mo tapos na akong sinermunan ni Ate Kyla pag gising ko. Nandito naman na ako e. Walang masamang nangyari sa akin. Tahan na wag ka ng umiyak. Sorry kung pinag-alala kita. Sorry.. Hindi na ‘to mauulit. Promise.”

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon