FAITH’S POV
Nakikita ko na siya, wearing his most beautiful smile I’ve ever seen. Yung mga nasa paligid ko biglang nawala all I can see is this man standing in front of me. This man who I love the most. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi pa din ako makapaaniwala na nandito siya. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nandito si Kelvin, ang lalaking pinakamamahal ko.
“A-a-a-anong gi-gina-ginawa mo di-dito?” Grrr.. nauutal ako kainis! Ano ba kasing ginagawa niya dito?
“Happy Birthday Faith!” He is still smiling at napakamot ng batok niya.. Shemay!!! Ang cute cute cute niyang tignan sa act na yun lintik I can’t help smiling too. “I… I mean Belated Happy Birthday?” Waaahh!!! Naalala na niya!
“Thank you… Kaya ka ba nandito para lang batiin ako? ang adik mo talaga! Pwede namang tawagan mo na lang ako di ba? Napagod ka pa sa pagpunta dito.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay! OH MY GOSH!!! What is he doing?? Nanginginig na ang tuhod ko, I swear nanghihina na ako sa mga titgtig niya! As in eye to eye talaga at sobrang seryoso ng mukha niya!
“I’m sorry Faith. I’m really sorry. Napakawalang kwenta kong bestfriend mo to forget your birthday. I’m really sorry.. Please let me stay here, I’ll make it up to you. I promise.”
“Hindi mo naman na kailangang gawin yun Kelvin, a simple Happy Birthday is enough.” Hindi naman na kasi talaga yun kailangan sapat na sa akin na batiin niya ako. Ang importante lang sa akin naalala na niya okay na okay na ako dun.
“But I want to do this for you… Pero bago ako bumawi sa mga pagkukulang ko sayo as your bestfriend pwedeng humingi ng isang favor?”
Okay na sana e.. pwedeng pakitanggal na lang yung word na ‘bestfriend’ palitan mo na lang ng ‘boyfriend’?? Hahaha!!! Nababaliw na naman ako..
“Birthday ko di ba? Dapat ako ang nanghihingi ng favor hahaha… Ano ba yun? Anything for my bestfriend.”
Dapat talaga lagi kong binabanggit ang ‘bestfriend’ para lagi kong maalala na yun lang relasyon namin.
“Okay lang ba kung… Ammm kung kalimutan mo munang kahapon ang birthday mo? Okay lang bang isipin naten na September 18 ang birthday mo? This year lang naman. I want to be with you on your birthday but since sa katangahan ko nakalimutan kong birthday mo kahapon so baka pwedeng maging birthday mo muna today? Please?”
What?! he wants to be with me on my birthday at gawin na ngayon ang birthday ko?? Shemay naman Kelvin pinapagana mo naman yang pagiging sweet mo!!! Choosy pa ba ako?!
“Akala ko naman kung ano yun. Oo naman ‘no! Of course I want to be with my bestfriend on my birthday.”
“Yes!! So ready ka na bang magcelebrate ng birthday mo today with your handsome bestfriend?”
“Hahaha!! Kapal mo ah?! Pero yes I am ready to celebrate my birthday with my handsome bestfriend!”
WaaaahhH!!! Swear sobrang naeexcite na ako ngayong araw na ‘to! Ngayon palang sobrang happiness na ang nararamdaman ko!
“But before that, kumain muna tayo ng lunch and magpahinga ka muna. Masyadong mahaba ang biyahe mo for sure napagod ka.”
Kung kayo kaya magkaron ng ganito kasweet na bestfriend hindi kayo maiinlove???
Kumain lang kami ng lunch ng sabay sa may garden. His first surprise ang ipaghanda ako ng lunch. Hindi pala si Yaya Lucy ang nagluto kasi daw nakiusap si Kelvin na siya na ang magluto at wag agad sabihin sa akin na nandito siya sa Baguio.
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...