FAITH’S POV
“Wake up princess. Were here. Nasa baba na din sila Kuya Patrick hinihintay na tayo.” – Kelvin
Around 11:30pm nang makarating kami sa Manila.
Agad akong nagising at bumaba na kami ng bus. Nakita ko naman agad si Kuya at si Ate Kyla na sobrang lapad ang ngiti as in ganito:
(^________________________________________________________^)
Anong nangyari sa kanya at bakit sobrang saya naman ata niya? Nagpropose na ba si Kuya sa kanya? HAHAHA
“WELCOME BACK FAITH!!!!!!” At niyakap ako ng sobrang higpit at bumulong… “Ako na bibili ng pregnancy test after 2 weeks! Sana girl yan ah pero okay na din ang boy.”
Kung si Ate Kyla sobrang lapad ng ngiti, eto naman ako (O_________________O) sobrang nabigla sa sinabi niya. At ramdam na ramdam ko din na umakyat na ata lahat ng dugo ko sa mukha! My God!! Ano bang pinagsasabi niya?? Wala namang nangyari samin ng boyfriend ko I mean ng bestfriend ko. Ano bang iniisip nila! Nakakaloka siya! Swear!!
“O bakit namumula ka? Nasan mga gamit mo?” – Kuya Patrick
Agad namang lumapit sa akin si Kelvin, hinawakan ang noo at mukha ko. Sa ginawa niyang yun feeling ko mas lalo akong namula!
“Okay ka lang ba? Hindi ka naman mainit, may masakit ba sayo?”
Kung makapag-alala naman ‘to kala mo boyfriend ko!
Ay oo nga pala boyfriend ko pa siya hindi pa naman kami nagbre-break hahaha.
Narinig ko namang parang impit na tumitili si Ate Kyla kaya napalingon ako sa kanya at sa nakita ko nakahawak siya sa braso ni kuya at halatang pinanggigigilan na niya yun. Nakakatawa siyang tingnan. Nakahawak pa din sa mukha ko si Kelvin kaya lumingon ulit ako sa kanya na nakatitig na pala sa akin. Ano ba Kelvin hindi mo baa lam na sa gingawa mong yan baka maging permanenteng kulay kamatis na ang pagmumukha ko!!
“Wa-wala… Ano.. Ah baka gininaw lang ako sa bus ang lamig kasi sa bus kanina e.” palusot.com HAHAHA!!! Tinanggal ko na din ang pagkakahawak ni Kelvin sa maganda kong pagmumukha hehe biro lang po.. Baka kasi kung ano na namang isipin ni Ate Kyla.
“Sus!! Blooming lang yan, ganyan daw talaga pagnagdada---
Hindi na natapos ni Ate Kyla ang sasabihin niya dahil tinakpan na ni Kuya ang bibig niya. Nako pasaway talaga ‘to si Ate Kyla.
“Ano ka ba naman baby kung ano ano pinagsasabi ang babata pa ng mga yan. Dapat masmauuna pa tayong magkababy sa mga yan.”
At ngayon turn naman ni Ate Kyla ang mamula ang pisngi dahil sa mga sinabi ni Kuya. HAHAHA ngayon nararamdaman na niya ang naramdaman ko kanina dahil sa sinabi niya sa akin. Para na din akong nakaganti HAHAHA!!! Hindi na din siya nakapagsalita napayuko na lang siya at parang nahihiya, ang cute niya tuloy tignan!!
“Tara na nga. Masyado ng gabi.” –Kuya Patrick
Hindi nagtagal nakarating naman kami sa bahay dun muna tumuloy si Kelvin at si Ate Kyla ihahatid na lang daw sila ni Kuya mamaya. Sus para namang napakaalayo ng bahay nila e kapit bahay nga lang namen hahaha.
Mukhang inaantok na din si Ate Kyla kaya nagdecide na umuwi na.
“Psst!! Uwi na tayo inaantok na ako. Look ‘o 12:30 am na. May pasok ka pa bukas.” – Ate Kyla to Kelvin
“Mauna ka na ate mamaya pa ako ng kokonti susunod na lang ako.”
“Sus!! Bakit ha? May gagawin pa kayo ni Faith ‘no? Nako bata bata niyo pa para gumawa ng bata! Hahaha!” Waaahh!!! Grabe na ‘to! I feel humiliated sa mga pinagsasabi ni Ate Kyla
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Novela Juvenil"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...