KELVIN’S POV
Pagdilat ko ng mata ko, si ate Kyla at kuya Patrick ang nabungaran ko. Naramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko nang tangkain kong gumalaw. Parang bugbog na bugbog ang katawan ko sa sobrang sakit.
“Kelvin! You’re awake! Thank God!”
Nilapitan ako agad ni Ate Kyla at niyakap ng sobrang higpit.
“Kamusta ang pakiramdam mo? Ano may masakit ba sayo? Magsalita ka!”
“A-ate, Masakit pa ang buong katawan at maslalong masmasakit sa higpit ng yakap mo.”
Agad namang bumitiw sa pagkakayap sa akin si Ate Kyla.
“Ay! Sorry, sorry, sorry. Nag-aalala lang naman ako sa’yo.”
“Thanks Ate. Okay na ako. Medyo masakit na lang ang katawan ko.”
“Ayan kasi ang tigas tigas ng ulo mo! Sino ba naman kasi nagsabing magpakalasing ka? At ikaw pa ang nagdrive pauwi ah? Tinamaan ka talaga ng lintik na bata ka! Paano kung hindi lang yan ang inabot mo? Paano kung sa morgue ka namen pinuntahan ni Mama ha?! Paano ku—
“Ate Okay na ako. Wala namang masamang nangyari sa akin?”
“E Paano nga kung—
“Baby tama na yan. Tama naman si Kelvin, wala namang nangyaring masama sa kanya. Hayaan na lang naten siyang magpahinga sa ngayon para masmapabilis ang recovery niya.” - Patrick
“Isa ka pang kunsintidor! Palibhasa isa ka ring lasenggero!”
“Teka kailan naman ako uminom ha?”
“Gusto mo talagang ienumerate kung kailan ka uminom ha?”
“A-Ano.. Ikaw Kelvin wag mo ng uulitin yun ah? Hindi magandang nagdradrive ng lasing next time magpahatid ka na lang!”
Iiling iling na lang ako habang nakangiti. Nakakatawa talaga tong dalawang ‘to! Si Kuya Patrick hindi maitatagong mahal nga si Ate dahil handa siyang magpa-under dito. At si ate naman kahit na laging sinusungitan si Kuya Patrick, alam kong mahal na mahal niya rin ‘to..
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...