FAITH'S POV
After our trip to Bagiuo, everything went well, kahit nasakatan ako sa break up namen ni Kelvin. Hahaha Feel na feel ko talagang Ex ko ang bestfriend ko ‘no? Hahaha which is true naman kasi.. Lagi kaming sabay pumasok at umuwi, sinasamahan ko din siya sa gym pag may practice sila.. Basta sa nakikita ko okay siya which is mali pala ako ng pag aakala. I thought everything is fine until this day…
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta class room namen nang…
“Hi Kelvin! Hi Faith!”
Sabay kaming tumingin ni Kelvin sa bumati sa amin and we saw Laila smiling at us at may kasama siyang lalaki hindi ko kilala yung lalaking yun. Hindi nagsalita si Kelvin kaya agad ko siyang tinignan para makita ang reaction niya.
Nakita kong nasasaktan pa din siya. Hindi na ako nagulat dahil matagal din naman ang pinagsamahan nila. Hinawakan ko ang kamay niya para iparating na nasa tabi lang niya ako.
“Kamusta Laila?” – me
“Okay naman. Thanks for asking.” Bumaling siya kay Kelvin na ngayon ay titig na titig kay Laila. “Ikaw Kelvin kamusta ka na?” Hay sh*t na malagkit!!! Mahal na mahal pa din talaga ni Kelvin si Laila. Maslalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Kelvin.
“Okay lang.” – Kelvin
“Good to hear that. So pano? See you around guys! Mauna na kami.”
Hindi ko pa din inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay ni Kelvin. Syempre tsansing naman ang lola niyo! HAHAHA!! Kidding aside, alam ko kasing nasasaktan pa din siya kahit hindi na niya sabihin.
“Kelvs tara na? Baka malate tayo sa klase natin.”
Tiniggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
“Mauna ka na. Susunod ako.” walang ganang sabi niya.
“San ka pupunta? Samahan na lang kita.”
“Wag na pumasok ka na.” and with that bigla na lang siyang umalis.
Gusto ko sana siyang sundan pero mas minabuti kong wag na lang alam kong gusto niyang mapag-isa ngayon.
Buong umaga hindi siya pumasok. Tinatawagan ko siya hindi naman niya sinasagot, tinitext ko hindi naman nagrereply. Nag-aalala ako sa kanya baka kung anong maisip niyang gawin. Nakakainis!! Sana pala sinundan ko na lang siya kanina.
Lunch na ngayon at hinahanap ko siya. Wala na akong balak na kumain pa dahil mas importanteng makita ko siya.
“Faith san ka pupunta? Tara kain na tayo.” – Cindy
“Hahanapin ko si Klelvin. Hindi na muna ako sasabay ngayon. Si Chester na lang ang ayain mong kumain.”
“What?! I’d rather eat all by myself than to be with that jerk!”
“Bye. See you later.”
Hindi ko na hinintay na sumagot siya saying ang oras ko e.
Hinanap ko si Kelvin sa buong school. Sa Gym, sa Field, sa Garden, sa Library, sa Canteen, at kung saan saan pa pero hindi ko siya nakita. Lakad-takbo ang ginawa kong paghahanap kaya napagod ako. Umupo muna ako sa isang bench doon para makapagpahinga may 20 minutes pa naman ako para hanapin siya.
“Here. Mukang pagod na pagod ka na ah.”
Napalingon ako sa lalaking nagsalita and I saw Jared holding a bottle of water.
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...