KELVIN’S POV
Maaga akong nagising ngayong araw na ‘to or should I say hindi ako nakatulog ng maayos? Tsk!!
Naligo na agad ako at nagbihis. Pagbaba ko nasa nandun na din si Ate, kumain. Aga ata nito ngayon.
“Aga naten ah? 8 pa pasok mo di ba?” Ate Kyla
Naunahan pa ako magtanong. Tsk! Umupo na lang ako sa harap niya at kumain.
“Hindi naman almost 7 am na din.”
“Kung sabagay. Para makakain ka na din ng breakfast. Sus! Ayoko ng masermunan ni Faith ‘no!”
“Masermunan?”
Napatigil ako sa pagkain. Bakit naman sesermunan siya ni Faith?
“Hay naku, Oo! Lagi yun nagtetext or tumatawag sa akin para taungin kung nagbreakfast ka ba or nakainum ka ng vitamins mo. Ayoko magsinungaling sa kanya kaya sinasabi ko yung totoo kaya ayun sinesrmunan ako.”
Ginawa talaga ni Faith yun? Masyado naman siyang concern sakin. Ginagawa na akong baby! Tsk! Kainis talaga tong mga ‘to!
“Tsk! Hindi na ako baby para lagi niyong paalalahanan.”
“Yeah right! Kaya nga lagi kang hindi nakakainum ng vitamins mo di ba? Hindi ka din nagdadala ng extra t-shirt at towel pag my practice ka. Kailangan ka pang ipagdala ni Faith ng towel at tubig. So sa tingin mo ba hindi ka na dapat pang paalalahanan?”
“Bakit pati yun alam mo?”
“I have my own ways lil bro! O siya kumain ka na dyan, uminom ng vitamins at puntahan mo na si Faith baka malate pa kayo.”
“Hindi ko siya kasabay ngayon.”
Ituloy ko na lang yung pagkain ko. Tsk! Pinaalala na naman yun!
“Ha? But why?”
“May susundo sa kanya.” Walang gana kong sagot.
“E sino naman?”
“Si Rex.”
“Sinong Rex?”
Bakit ba ang daming tanong nito ni ate? Di ba niya nahahalata na ayoko ng pag usapan yun?
“Kapatid ni Laila.”
“Ah. Oo I saw that guy na nga pala nung naconfine ka. In fairness gwapo siya ah.”
“Mas gwapo ako dun.” Bulong ko.
“Di ba gwapo siya? College student na yun di ba? Mas ahead lang ata kami ni Patrick ng 1 year e. Mukha din siyang responsible, mukhang mabait. Pwede na din.”
“Pwedeng ano?”
“Pwedeng boyfriend material. Nanliligaw ba siya kay Faith?”
“Hindi ko alam.”
Boyfriend material? Boyfriend for Faith? Teka bakit parang ayoko ata sa idea na yun ah. Hindi maganda sa pandinig!
“Ah. Naku machika nga si Faith mamaya tungkol sa Rex na yun!”
“Ate pwede ba wag mo ngang istorbohin si Faith. Madami yun pinagkakabalahan wala siyang time sa mga ganyang bagay.”
“O e bakit ganyan ang tono ng boses mo ha? Nagseselos ka ba ha?”
“At bakit naman ako magseselos?”
“Di ko alam ikaw lang makakasagot niyan.”
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Ficção Adolescente"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...