CHAPTER 8 - DAMN! He Wants Me There!

153 3 0
                                    

FAITH’S POV

SEPTEMBER 13

Pinatawag ako ni Kelvin sa bahay nila may importante daw kaming pag-uusapan, wala kaming pasok ngayon pero dahil excited ako masyadong makita ang pinakamamahal kong si Kelvin at kung anong tungkol sa pag-uusapan namin, maaga akong nagising at naligo. Ako na talaga excited. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos nagpunta na ako sa bahay nila Kelvin.

 “O Faith ang aga mo ah.” –Kelvin

At ayun nga po ang aking prinsipe mukhang kagigising lang dahil naka pantulog pa. Nakasoot siya ng plain white t-shirt, maluwag na short at medyo gulo gulo pa ang buhok! Pero bakit ang GWAAAAAPOOOOOOO niya pa ding tignan! May ipapangit pa ba ang lalaking ‘to!

“Uy Faith nakikinig ka ba?” –Kelvin

Ay putek! Napatunganga na pala ako sa kagwapuhan ng nilalang na ‘to na ngayon ay nasa harapan ko na!

“Ay sorry! Ano nga yung sinasabi mo?”

“Ang sabi ko, bakit ba ang aga mo nagpunta dito? May lakad pa ako ngayong umaga, dapat tinext mo muna ako.”

“San ba ang lakad mo?”

Bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko bago magsalita. At sana din kasi hindi ko na lang tinanong ang bagay na yun.

“Wala tayong pasok ngayon kaya lam mo na… time with my princess. May date kami ngayon. So mamaya ka na lang bumalik dito para makapag-usap tayo.”

Wow ha! Ang galing lang ng mokong na ‘to. Ako na nga ang nag effort na pumunta dito ng maaga para sa kung ano man yung pag-uusapan namin, tapos sa tono nang pagtatanong niya parang sinisisi pa niya ako at nakakaabala ako sa DATE NILA NG GIRLFRIEND NIYA!!! Nakakabanas lang!!!

“Pinapunta ko siya dito para tulungan ako may kelangan kasi akong gawin na kakailanganin ko ang tulong niya.” –Ate Kyla. Bigla ka lumitaw si Ate Kyla, nakooo Thank You so much Ate!!

“Ah ganun ba akala ko ako pinuntahan mo.” –Kelvin

“Hindi ‘no! Kala naman nito, pag ba pupunta ako sa bahay niyo ikaw agad ang pupuntahan ko? Hindi ba pwedeng si Ate Kyla muna o si Tita? O kaya naman walang breakfast sa bahay at makikikain ako?”

“Hahaha.. Oo na po! Sorry na..” at ginulo ang buhok ko “O sige na maliligo na ako. Baka malate pa ako magtampo pa si Laila sa akin.”

“K.” Yan lang ang sinabi ko. Tipid talaga dahil nabwibwisit ako!

Umakyat na ulit si Kelvin sa kwarto niya malamang naligo na yun at nagbihis.

“Thank you Ate. Nako Mapapahiya pa ako sa lokong yun!”

“I just know what to do.” At ngitian ako ng nakakaloko! Tsk! Magkapatid nga tong dalawang ‘to. Hindi ko na lang pinansin ang ngiting yun at nagpaalam na ako kay Ate Kyla.

Pag-uwi ko sa bahay umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko para matulog. Ayoko mag-isip ng kung ano ano kaya itutulog ko nalang ‘to. Pero sa kasamaang palad hindi ako makatulog. Ang sinabi ko kanina prinsipe ko pero ang prinsipe ko may ibang prinsesa! Laslas na lang kaya ako?? Eto  na naman ‘tong pakiramdam na ‘to, I hate it!! Yung pakiramdam na lagi kang pangalawa. Parang sa nangyari ngayon. Ako na yung nasa harapan niya pero ano? Hindi pa ako nakita dahil hindi naman ako ang priority niya. Pero bestfriend naman niya ako di  ba? Kaya siguro naman kasama ako sa parte ng buhay niya SECOND PRIORITY nga lang dahil syempre ANG GIRLFRIEND NIYA PA DIN ANG FIRST PRIORITY NIYA!! Nakakaasar talaga pag naiisip ko ang reyalidad na ‘to!

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon