FAITH’S POV
Pagod na pagod talaga ako pag-uwi ko ng bahay. 11.30pm na kami nakauwi ni kuya, ang dami kasing pinagawa ni Mommy tapos pinaattend pa kami ng meeting ng board. Ang hirap pala humawak ng business, pero masmahirap ang ginagawa ni kuya ngayon, nag-aaral siya tapos sinasanay na siya ng parents namen para hawakan ang business.
Hindi nga pala ako pumasok ngayong araw kaya I need to call Cindy para sa mga namiss kong lessons.
Dialling Cindy…
“Hello.” Halatang inaantok na ang boses ni Cindy. Nako malamang naistorbo ko ang tulog nito.
“Cindy, si Faith to. Naistorbo ba kita?”
“Hindi ba halata? Antok na antok na ko e. Ano bang kailangan mo?”
“Itatanong ko lang if may mga assignments ba tayo? Hindi kasi ako nakapasok kanina.”
“E bakit ba saken ka nagtatanong? Kapitbahay mo kaya ang bestfriend mo na classmate naten.”
“Cindy naman sabihin mo na lang nga kasi sa akin please? Hindi yun pumasok kaninang hapon diba?”
“Oo na. oo na.! Page 78-82 ng workbook naten sa Chemistry. Tapos magreview ka na din ng Table of Elements, may quiz tayo bukas.”
“Thank you! Thank you!”
“Psss.. Kahit naman di ka na magreview. Hoy! Pakopyahin mo ako ah.”
“Eeehh.. Bakit? Di ka ba nagreview?”
“Teh kelan ako nagreview ha?! Nakita mo na akong nagreview?”
“Fine! Pasalamat ka sinabi mo saken yung assisgnmenys kundi! Hmp! O sige na matulog ka na gagawin ko pa yung assignment naten. Bye.”
Di ko na siya pinagsalita for sure hahaba pa ang usapan namen.
Pag-upo ko sa harap ng study table ko, agad kong nakita ang lollipop na nandun at may note na nakalagay. Nacurious ako kung kanino yun galing kaya binasa ko agad ang note.
Sorry na. Hindi ko naman sinasadya yung sinabi ko kanina e.
Wag ka na pong magalit sa akin please?
Sabay tayo pumasok bukas ah? Sunduin kita.
Goodnight!
-Kelvin
Pagkatapos kong mabasa ang note ni Kelvin, bigla nalang akong napangiti syempre ikaw ba naman ang makatanggap ng note na may kasamang lollipop galing sa pinakamamahal mong tao diba?
Kinuha ko ang lollipop at tinitigan, again napangiti na naman ako. I can’t help it everytime na binibigyan niya ako ng lollipop ganito ang pakiramdam ko, ANG SAYA SAYA KO. Kasi bumabalik ako sa mga panahong siya ang knight in shining armor ko and I feel like I’m his only princess. Pero ngayon nagbago na ang lahat, I’m not his princess anymore.
Ayoko ko ng mag-isip ng kung ano-ano basta ngayon masaya ako, period.
Pagkatapos kong maligo, ginawa ko na ang assignments ko and nagmemorize ng konti sa Table of Elements then after that I decided to sleep. Antok na antok nako pero tinext ko muna si Kelvin. I just want to thank him.
To: Kelvs <3
Goodnight Kelvs thanks for the lollipop., c:
Message sent…
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Novela Juvenil"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...