FAITH’S POV
Pagkalabas ko ng kwarto ko nadoon na pala ang dakila kong bestfriend at hinihintay ako.
“Ready ka na?” –Kelvin
“Te-teka! Bakit soot mo yan?”
Soot niya lang naman ang t-shirt na binili niya na may design din gaya ng akin magkaiba lang ng kulay. Para tuloy kaming nakacouple shirt, ano naman kayang iniisip ng mokong na ‘to!
“Alin? Ah etong shirt ko? Ayaw mo ba? Cute kaya parehas tayo.”
“Ngeks! Bakit kailangan pang parehas tayo?”
“Hmm.. bakit nga ba? Ah.. Para akalain ng mga tao na boyfriend mo ako.”
WHAT?! Sinapian ba ‘tong mokong na ‘to? Kung ano anong pinagsasabi!
“Ha?!”
“E kasi ayaw kong pinagtitinginan ka ng mga lalaki sa mga pupuntahan naten. Baka mamaya lapit lapitan ka pa nila edi nagulo pa ang celebration naten ng birthday mo diba?”
Ah.. Yun lang naman pala ang dahilan niya. May point nga naman siya. Ayoko na sana ng ganito maslalo akong nahihirapang isipin na ‘bestfriend’ ko lang siya. Mahirap mag assume at masakit ang mag expect pero dahil birthday ko pagbibigyan ko ang sarili ko.
“Okay fine. Pero favor please?”
“Anything for my Princess.”
(O___O) – ako yan sa sobrang pagkabigla. Hahaha
What did he just call me? PRINCESS?? Nabingi lang ba ako? Hindi ako agad nakasagot sa kanya dahil nabigla ako sa tinawag niya sa akin. Damn!!! I miss him calling me that!
“Hey! Okay ka lang? natulala ka na dyan.”
“A-ano.. hehe.. sorry ano nga ulit yung pinag-uusapan naten?”
“Your asking me a favor. So anong favor ba yun?”
Lulubos-lubusin ko na po ‘to Lord wag Ka po sanang magalit sa akin. Ngayon lang naman po ito, may expiration naman. Pagbigyan niyo na po ako. Matagal ko na ‘tong pinangarap.
“Oo nga. Haha.. Ano ammm.. Act as my real boyfriend just for today since magpapanggap din naman tayo diba?”
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...