FAITH’S POV
It’s been a week after naming makita ni Kelvin si Laila na may kasamang lalaki. It’s been a week since nagpanggap na couple si Chester at si Cindy. And it’s been a week since sinabi ni Cindy na mahal daw ako ni Jared. Of course hindi ako na niniwala dun. Although mas naging aware ako ngayon sa presence ni Jared. One week. One week na din akong nababagabag sa ipinapakita ni Kelvin. Napapabayaan na niya ang studies niya. Tapos wala na din siyang ganang maglaro ng basketball.
Hay.. Ganoon ba talaga kalaki ang epekto ni Laila sa kanya? Ganoon ba kalalim ang pagmamahal niya kay Laila kaya pinababayaan niyang masira ang buhay niya? Hindi pwede ‘to! Hindi ko hahayaang masira ang buhay niya ng dahil lang kay Laila.
Nandito ako ngayon sa hallway papuntang classroom. Galing ako sa library kailangan kong doblehin ang pag aaral ko ngayon pati ang oras ko sa pag aaral doble na din. I need to do Kelvin’s assignments, projects and everything. Hindi niya alam na ginagawan ko siya ng mga requirements niya sa school alam ko namang hindi niya yun gusto. Si ate Kyla, Cindy, Chester at Jared lang ang nakakaalam. Ang mga teacher’s ko naman hindi nagtatakaa ang alam lang nila ako ang pinagpapasa ng projects. Si ate Kyla ang nagsusulat ng mga assignment niya dahil mahahalata kung ako. Buti na lang at parehas ng penmanship si ate at si Kelvin kaya hindi na ako nagkakaproblema.
“Iyakin!”
“Iyakin”
Ako ba yung tinatawag nun?
“Iyakin!”
Nilingon ko ang may ari ng boses na yun. Nakakairita e.
“Hi iyakin!”
Iyakin?? Isang tao lang ang tumawag sa akin ng iyakin yun ay walang iba kundi si…
“R-rex?”
“Rex Madrigal, the one and only, at your service miss Pretty!”
Rex Madrigal! Ang lalaking bully! Ang lalaking inagawan ako ng lollipop! Ang lalaking bwisit sa buhay ko! Ang lalaking napakagwapo!
NAPAKAGWAPO??? Faith narinig mo ba yung sinasabi mo?! Pinupuri mo ang lalaking yan!
Well, I can’t help it! Gwapo naman talga siya. Elementary days pa lang may itsura na talaga siya pero ngayon mas gwapo ata siya?!
Stop it Faith!! Para kang tanga!
“Ang daming books ah. Sipag naman mag-aral! Ako na magbubuhat niyan.” Tinangka niyang kunin ang mga hawak kong libro pero iniwas ko ang mga iyon.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Ahm..” Pinagisipan pa ang lalaking ‘to ah. “I’m here for you.”
“Rex pwede ba? Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo! Madami pa akong gagawin!”
“Kaya nga ako nandito ako to help you.”
“Funny Rex!” at nag umpisa na akong maglakad. Wala talaga akong panahon para sa kanya.
“Hey! Wait up!” Hindi ko namalayan na nakuha na niya ang mga librong dala ko.
“Ibalik mo nga yan sa akin!” Pinilit kong kunin ang mga libro sa kanya pero itinaas niya at dahil masmatangkad siya sa akin pinilit ko pa ding abutin yun.
Yun ang eksenang naabutan ni Jared.
“Faith?” – Jared
Umayos ako agad. Naku! Bwisit talaga ‘tong Rex na ‘to!
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...