FAITH’S POV
Tulad nga nang sinabi ni Kelvin kagabi sabay kaming pumasok ngayong umaga.
Naglakad na lang kami papasok, hindi naman kasi ganoon kalayo ang bahay namen sa school. Sinabi ko ngang magtaxi na lang kami but Kelvin insisted na maglakad na lang daw since maaga pa naman. So nandito kami ngayon sa gilid ng kaldasa naglalakad.
Namiss ko talaga ‘tong lalaking ‘to! Ang tagal ko ding walang kasabay papasok ah.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Hindi ko rin alam kung bakit, usually kasi pag ganito nagkukulitan kami, pero iba ngayon. Wala din akong mahanap na salita para mabasag ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa…
“I’m sorry.”
Si Kelvin na ang bumasag sa kataahimikan marahil hindi na rin makatagal sa situation namen. Pero teka, bakit naman ‘to nag so-sorry?
“Sorry for what?”
Hindi ko siya tinignan. Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan namen. Ayoko siyang tignan dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan na lang siya at ipagdamot sa iba lalong lalo na kay Laila.
“Sa maraming bagay.”
“Tulad ng?”
“Ammm.. Tulad ng pakikitungo ko sa’yo lately, ng hindi ko pansin sa’yo at sorry dahil pinag-alala kita masyado sa aksidente ko.”
“Hindi lang naman dahil sa aksidente mo kaya ako nag-aalala sa’yo e.”
“What do you mean?”
“Nag-aalala din ako sa’yo lately dahil sa ginagawa mo sa buhay mo. Hindi ka nagpapapasok tapos natuto ka na ring uminom. Tapos sabi sa akin ni ate Kyla hindi ka pa nag-aalmusal sa inyo. Pano mo naiinum yung vitamins mo? Alam mo namang hindi biro pagnagkakasakit ka hindi ba? Kaya dapat iniingatan mo naman yang sarili mo. Pag may nangyari sa’yo na hindi maganda sana naman isipin mo na hindi lang ikaw ang apektado kundi pati na rin kaming mga nagmamahal sa’yo.”
“Mahal mo ako?”
“Oo!”
SH*T!!!! Ayan na naman tayo e! Lintik! Ayoko ng bawiin yun, nasabi ko na e. bahala na siya kung anong iisipin niya! Nakakapagod na din ang explain ng explain kung ano man ang dating sa kanya nun so be it!!
Tinignan ko siya sa naging reaksiyon niya. Nakangiti lang siya at nakatingin lang sa dinaraanan namen. Kaya naman ikinagulat ko pa ng bigla siyang bumaling sa akin ng nakangiti.
Oh… How I miss his sweet smile…
“Talaga?”
“Oo nga. Kaya ingatan mo ang sarili mo.”
“I will. Ayokong nag-aalala ang bestfriend ko sa akin.”
“Good.”
“Ikaw kumusta ka na? Balita k okay Kuya Patrick lagi ka daw nagpupuyat ah? Ano bang pinagkakaabalahan mo?”
Edi gawin ang mga dapat na ginagawa mo, you handsome jerk!!!
Thank God hindi niyaa binigyan ng meaning ang mga sinabi ko. Wew!
“Wala naman kung ano ano lang. School stuff.”
“Speaking of school stuff for sure ikaw na ang magiging top 1 sa batch naten.”
“No!!!”
“Ha? Galit ka ba?”
“No. I mean.. ammm… I am 100% sure na ikaw pa din ang top 1.”
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...