Chapter 19 - Patuloy Ko Pa Din Siyang Mamahalin

143 3 0
                                    

FAITH’S POV

2 days after..

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga at nakatitig lang sa kisame ang dami ko ng iniisip. Sumasakit na ang ulo ko.

Hindi ko pa rin alam kung papayag nga ako sa gustong mangyari ni Rex. Actually wala naman akong benefit na makukuha sa deal na yun.

Oo nga ayokong magkabalikan si Kelvin at Laila pero hindi ko na matagalang makita pang tuluyan ng nasisira ang buhay ni Kelvin.

On the other side. Nainiwala akong mahal ako ni Rex. The way he look at me nung sinabi niya yun alam kong nagsasabi siya ng totoo. Kung papayag ako alam kong magiging masaya siya pero tulad ng sinabi ko sa kanya hindi ko kayang magpanggap na mahal ko siya kaya alam kong masasaktan ko siya at yun ang ayaw kong mangyari.

Anong gagawin ko? Hindi ko na alam bukas ibibigay ko na ang decision ko kay Rex pero hanggang ngayon hindi pa din alam ang dapat kong gawin.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

“Hello? Ate Kyla?”

“Faith. Where are you? I need you here.”

Teka bakit parang umiiyak si Ate Kyla? Nag-away ba sila ni Kuya?

“Ate umiiyak ka ba?”

“Faith pumunta ka dito sa hospital ngayon din. Si Kelvin… Si Kelvin Faith.”

“Si Ke-Kelvin? Anong nangyari sa kanya ate?”

“I’ll explain it to you later just come here as fast as you can.”

Pinatay ko na agad ang fone ko at nagmadaling pumunta sa hospital. Ilang sandal pa nakarating na ako.

“Excuse me miss. Asan ang room ni Kelvin Laxamana?”

“Room 501 Ma’am.”

“Thank you.”

Agad kong hinanap ang kwarto niya. Naabutan ko si Tita at Ate Kyla sa room. Sinalubong naman ako agad ni Ate Kyla at niyakap.

“Ano po bang nangyari sa kanya?”

Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Ate at umupo sa tabi ni Kelvin. Nakita kong ang daming benda sa katawan ni Kelvin, may pasa sa mukha niya, sa mga braso niya may mga gasgas, at ganun din sa paa.

“Naaksidente siya. Nagdrive siyang lasing pauwi.” – Ate Kyla

“Si Jared po hindi ba niya kasama? Bakit hinayaan siyang magmaneho ng lasing?”

“Tinawagan ko si Jared, hindi sila magkasama.”

“Ano pong sabi ng doctor?”

Nakatitig lang ako kay Kelvin habang kinakausap si Ate Kyla. Hindi ko na rin mapigilang hindi umiyak. My God! He could have died!!!

“Stable na naman na daw ang lagay niya. Pero under observation pa siya hanggat hindi pa siya gumigising.”

Tumango na lang ako. hindi ko na kayang magsalita pa. Nasisiguro kong nahihirapan si Kelvin ngayon. Kung may magagawa lang sana ako.

Lumapit sa akin si Tita Marj at hinawakan ang balikat ko.

“May alam ka ba sa nangyayari kay Kelvin? Hindi siya marunong uminom dahil mahina ang resistensiya kaya kahit minsan hindi niya naisipang uminom ng alak. Kaya laking pagtataka ko ng malalaman kong lasing siya habang nagmamaneho. May nangyayari ba sa anak kong hindi ko nalalaman?”

“Tita..”

“Napakawalang kwenta kong ina para hindi malaman yun. Ni hindi ko man lang napapansin na may nagbabago nap ala sa anak ko. Ayokong mawala siya sa akin. Kasalanan ko ‘to.”

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon