CHAPTER 12.1 - My First Boyfriend For Real But Just For A Day And My First Kiss?

139 3 0
                                    

FAITH’S POV

Pagkabalik niya bumalik kami sa Mine’s View at bumuli ng iba’t ibang pasalubong like strawberry jam, ube jam, peanut britle, at kung ano ano pa. Bumili rin kami ng iba’t ibang wine strawberry wine, rice wine at syempre mawawala ba naman ang famous na strawberries?!

“O.” –Kelvin

At inabot niya sa akin ang isang keychain na lollipop. Waaahh!! Ang cute wood lang yung keychain pero ang colorful!

“Wow!! Ang cute! Thank you Kelvs!!”

“You’re welcome. Let’s go na sa last place na pupuntahan naten.”

“May pupuntahan pa tayo? Akala ko last na dito kaya bumili na tayo ng pasalubong.”

“Basta! Halika na.” once again he held my hand at hanggang makaabot kami sa place na gusto niyang puntahan hawak pa din niya ang kamay ko ng mahigpit. Parang ayaw na niyang bitiwan. Ayoko na din naman bitiwan pa ang kamay niya ayoko ng matapos pa ang araw na ‘to.

Nandito kami ngayon sa Grotto.

“Last stop na naten dito. Alam kong gusto mong pumunta dito kahit hindi mo sinasabi  sa akin.”

Hindi siya nagkamali actually eto lang talaga ang gusto kong puntahan dito sa Bagiuo dahil gusto ko ng peace of mind. Akala ko wala na akong chance na pumunta dito, thanks to the great Kelvin Laxamana.

“Thank you Kelvin.”

I started to pray in silent.

“Lord Thank you thank you thank you thank you. Alam ko pong hindi sapat ang salitang ‘thank you’ o ‘salamat’ sa ibinigay Mong kaligayahan sa akin. Sobra sobra napo ang reglo Niyo sa akin  kung eto man po ang kapalit ng lahat ng sakit na naranasan ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya, nagpapasalamat po ako. Nagpapasalamat po ako sa Inyo dahil ang makasama ko siya sa birthday ko ay sobrang ikinaligaya ko na at ang maging boyfriend ko siya kahit may expiration man ay sobra sobra na po talaga. Habang buhay ko po Kayong pasasalamatan at hinding hindi ko po makakalimutan ang isang araw na masasabi kong naging akin siya. Hinding hindi po ako magsasawang mahalin siya Lord pasensiya na po Kayo kung nagiging matigas ang ulo ko pero mahal na mahal ko po siya. I love him so much and I don’t know how to forget him.. Hinihiling ko po ang kaligayahan niya alam ko pong kaya ko yung ibigay sa kanya yun pero hindi ko po hawak ang puso niya at alam kong hindi siya sa akin sasaya. Hindi ko po hinihiling sa Inyo na mahalin din niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya, ang hinihiling ko lang po ay bigyan Niyo po ako ng lakas na patuloy siyang mahalin at tanggapin ang katotohanang kahit kailan hindi siya mapapasaakin. Muli nagpapasalamat po ako sa Inyo Lord.”

Hindi ko na napigilang mapaiyak pa after that prayer of mine ang sakit lang talagang isipin na hindi ako ang kailangan niya para maging masaya.

Bigla na lang niyang hinarap ang mukha ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

“Masyado atang madamdamin ang pinag-usapan niyo ni Lord para maiyak ka ng ganyan ah?”

Kung alam mo lang Kelvin na ikaw ang dahilan ng mga luha ko ngayon makangiti ka pa kaya ng tulad ng mga ngiti mo ngayon? Tinitigan ko siya ng matagal, gusto kong hawakan din ang mukha niya at sabihinh mahal na mahal ko siya pero hindi na kailangan dahil ayoko ng masaktan pa. Masaya akong nakikitang ganyan siya, masaya, pag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya siguradong magbabago ang lahat sa amin.

“Hindi naman, nagpasalamat lang ako sa kanya. At sobrang saya ko lang ngayon dahil syempre kasama kita. Pinasaya mo talaga ako. Thank you so much Klevin.”

Hindi ko na pigilan pang yakapin siya. Lulubusin ko na ‘to tutal matatapos na din naman ang pagiging girlfriend ko sa kanya e.

“You’re always welcome princess.”

Nakayakap pa din ako sa kanya ayoko na sanang bumitiw pa pero parang may bumubulong sa akin na TIME IS UP FAITH, so tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang natira pang luha sa mga mata ko. Nang iangat ko ang ulo ko upang tignan siya isang bracelet na may mga nakasabit na mga lollipop design ang bumungad sa akin.

“This will be my 2nd to the last gift for you on your birthday this year.” And he smiled so I smiled back.

“2nd to the last?” nagtatakaang tanong ko.

Isinusoot niya ang bracelet na yun sa kamay ko habang nagsasalita.

“Yep. 2nd to the last, you’ll find out soon what will be my last gift for you…” Pagkatapos niyang sinoot sa kamay ko ang bracelet.. “Let me see… Hmmm.. Bagay pala sa’yo e. ‘Wag na wag mong tatanggalin ‘to ah?”

Tumango lang ako. Pakiramdam ko kasi pag nagsalita pa ako baka maiyak na ako sa tuwa.

Hinding hindi ko talagaa tatanggalin ang bracelet na ‘to kahit na anong mangyari dahil eto ang tanging bagay na  magpapaalala sa akin na nagkaron ako nang isang pagkakataaon na naging akin siya kahit isang araw lang.

“Let’s go home my princess? Gagabihin na tayo ng uwi baka mag alala sila sa atin dun.”

Kahit ayaw ko pang umuwi napilitan na din ako dahil mahaba pa ang biyahe namen pabalik na Manila. At muli niyang hinawakan ang kamay ko hanggang makarating kami sa bahay. Pagkatapos naming mag impake nagpahatid na kami kay Mang Jose at kay Yaya Lucy sa bus terminal.

“Bye po Yaya.. Mag-iingat po kayo dito.”

Niyakap ako ni Yaya Lucy at naaiiyak na siya. Nako ayaw ko namang magpadala sa kanya dahil kahit ako naiiyaak na din sobrang namiss ko kasi si Yaya Lucy at sobrang mamimiss ko ang Baguio ngayon pa’t dito sa lugar na ‘to nangyari ang pangyayaring habang buhay ko nang hindi makakalimutan..

“Mag-iingat din kayo dun. Ikamusta mo na lang ako sa mga magulang mo kay gelo at sa kuya mo sabihin mong dumalaw din sila dito at nangungulila din ako sa kanila.”

“Opo Ya. Makakrating po.” Nginitian niya lang ako at bumaling kay Kelvin.

“Ikaw hijo ingatan mo ang alaga ko ha? Mahirap ng makahanap ng kasintahang katulad niya.”

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Yaya buong akala kasi nila kami nga talaga ni Kelvin. Well partly totoo naman yun dahil naging kami nga dito.

Bigla nalang hinapit ni Kelvin at hinawakan ang bewang ko.

“Opo, ako po ang bahala sa kanya aalalagaan ko po siya tulad ng pag-aalaga niyo sa kanya. Hinding hindi ko na po pakakawalan ang prinsesang ‘to.”tiningnan niya ako at ngumiti.

Hay yy…. Ang sarap talaga sa pandinig ng mga sinabi niya. Pwedeng pakiulit? Ulit? Ulit? Ulit? Ulit? HAHAHA!!

“Pano Ya? Una na po kami. Baka maiwan na po kami ng bus.”

“O cge. Babalik kayo ha?”

“For sure po babalik po kami ng prinsesa ko.”

Sumakay na kami sa bus, buong biyahe namen hawak lang ni Kelvin ang kamay ko. Nagtataka man ako, hindi ko na sinubukan pang magtanong kung bakit hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko dahil tulad nga ng sinabi ko gusto ko rin naman ang pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Dala na rin ng pagod madali akong nakatulog sa bus.

Nang magising ako may naramdaman akong mabigat sa ulo ko at naramdaman kong ulo pala ni Klevin ang nakasandal sa ulo ko at napansin ko ring nakasandal pala ako sa balikat niya nang tangkain kong gumalaw napansin kong magkahawak pa rin pala ang mga kamay namin kaya minabuti kong matulog na lang ulit. Alam kong malabong maulit pa ang ganitong situation sa pagitan naming dalawa kaya ngayon nanamnamin ko muna ang ganito kasayang pakiramdam.

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon