KELVIN’S POV
Sobrang saya talaga ng mga nangyari sa amin sa Baguio namiss ko bigla si Faith ang tagal na kasi naming di nagawa yung bagay na yun. Importante kay Faith ang birthday niya kaya ginawa ko lahat ng alam kong makakapagpasaya sa kanya. I cooked for her, I gave her lollipop, a rose, cotton candy, shirt, key chain, bracelet at yung last gift kong lollipop na pillow. Habang nakikita ko siyang nakangiti hindi ko na rin mapigilan pang mapangiti ang saya saya niyang tignan parang gusto ko nalang titigan nakakawala ng problema ang mga ngiting yun ni Faith.
May binili akong shirt na same sa kanya, actually I don’t know kung bakit ko yun binili pakiramdam ko kasi magagamit ko yun in the near future. At hindi nga ako nagkamali sa instinct na yun. Nung last day namen sa Bagiuo pinasoot ko sa kanya yung shirt niyang yun. Noong makita niya ako halata kong nagulat siya wala naman akong maisip na dahilan sa tanong niya kaya kung anong unang pumasok sa isip ko yun naang sinabi ko. At ang magpanggap na boyfriend niya ang naisip ko. HAHAHA! Wala nga siguro ako sa katinuan ko nung maisip ko yun dahil alam ko namang hindi papayag si Faith dun.
“Act as my real boyfriend.”
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niyang yan. Hindi ko kasi ineexpect na sa dinadami ng pabor na hihilingin niya yun pa. Bigla na lang akong napangiti sa idea niyang yun. Nagtaka siguro siya kung bakit hindi pa din ako sumagot kaya tumingin siya sa akin. Nagsalita siya pero hindi ko na siya pinatapos dahil gusto ko din naman.
May naisip akong idea. Hindi ko alam kong papayag ba siya sa idea na yun.
“It’s better to make it real hindi ba?”
Yeah. Make it real for one day. Gusto kong maranasan kung anong pakiramdam na maging girlfriend ang isang Faith Fajardo. Isang araw lang kakalimutan kong bestfriend ko siya at itratrato ko siyang prinsesa because she deserves it.
Pumayag si Faith sa gusto ko. Hindi ko alam kung bakit yung pakiramdam ko that time para nga akong sinagot ng babaeng nililigawan ko. Ang weird pero binalewala ko na lang yung feeling na yun. Masaya lang siguro talaga ako.
Alam kong takot si Faith sa kabayo pero gusto ko sanang maovercome niya yun at ako ang kasama niya. Sumakay kami sa iisang kabayo. Naramdaman ko pa ding natatakot si Faith kaya maslumapit pa ako sa kanya at bumulong.
Nagulat ata siya sa ginawa kong pagbulong kaya naman humarap siya sa akin at sa hindi inaasang pangyayari NAHALIKAN AKO NI FAITH SA LIPS. Ako man ay nagulat sa pangyayaring yun kaya hindi ako agad nakalikos si Faith naman tumalikod na lang ulit sa akin. Nagsorry siya sa nangyari. Tsk! Hindi naman niya kasalanan yun e, ako ang may kasalanan.
May mga naririnig akong bulong-bulungan habang nakasakay kami ng kabayo.
“OMG! Ang sweet!!! Nagkiss pa sila!”
“ Iisang horse lang talaga ang ginamit that’s so sweet.”
“Oo nga bagay na bagay sila.”
“Ang cute nung guy!”
“Maganda din naman yung babae.”
“Kaya nga bagay na bagay sila hindi ba?”
“Hon look at them, ganyan din tayo nung teenager pa tayo.”
“Talagang nakacouple shirt pa sila.”
“They look like they love each other so much!”
Grabe lang magbulungan ang mga ‘to rinig na rinig ko. Tinignan ko si Faith na ngayon ay tahimik pa din mukang hindi niya narinig yung mga bulong bulungan na yun siguro masyado niyang iniisip yung kiss na nangyari. Kilala ko si Faith that’s why I know that, that kiss is her first kiss. Now what?! I am his first boyfriend at ngayon ako pa nakakuha sa fisrt kiss niya. I’m sorry Faith I didn’t mean too nakuha ko na ang dalawang importante sa mga firsts mo na dapat sa lalaking mahal mo lang ibigay. Samantalang ako karamihan sa second ko siya naman. She’s my second girlfriend and siya ang pangalawang babaeng nahalikan ko. But she is my NUMBER ONE and ONLY BESTFRIEND at hinding hindi na yun mababago pa.
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Ficção Adolescente"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...