FAITH’S POV
Maaga kaming dumating sa school wala pa ngang masyadong tao kaya pumunta na kami agad ng classroom namin. Naabutan ko naman si Cindy dun na natutulog. Kaya nilapitan ko siya agad. Mukha siyang puyat na puyat to think na mas nauna pa siyang natulog sa akin kagabi ah.
“Cindy!” Hindi siya gumalaw.
“Cindy!!”
“Hmmmm..” Grabe naman ‘to tulog mantika! Hindi man lang inangat ang ulo kaya….
“CINDY MARQUEZ!” sinigawan ko talaga siya at sa tapat ng tenga niya at bigla naman siyang napatayo at…
“I’m sorry Ma’am napuyat lang po ako kagabi kakamemorize ng mga elements..”
“WAAAAHHAHAHAHAHA!!!!!” -me
(O________O) si Cindy yan!
“FAITH FAJARDO!!!!!! WALANGHIYA KA!!!!!”
Agad akong tumakbo sa likod ni Kelvin kasi nakakatakot na ang mukha ni Cindy halatang badtrip na badtrip na siya! Wahahaha.. Priceless ang mukha ni ng bestfriend ko!
“WAHAHAHAHAHA,… Sorry.. WAHAHAHAH.. Sorry Cindy.,.. WAHAHAH!” Hindi ko talaga mapigilang hindi matawa.. Sorry naman.
“O bakit? Ano bang nangyayari?” – Kelvin
“Kelvin pagsabihan mo yang bestfriend mo ah.. hindi na ako natutuwa.” At nagwalk-out po si Cindy.
“Huh?! Bakit? Hoy Faith ano na naman bang ginawa mo dun kay Cindy?” Nako at talagang nagsumbong pa siya kay Kelvin ah? Hmp! Tumigil tuloy ako sa kakatawa.
“Wala naman akong ginawa ah? Ginising ko lang siya natutulog kasi, concern lang naman ako baka biglang dumating ang teacher natin pamag-initan pa siya di ba?” Totoo naman kasi yun terror kasi yung teacher namin sa 1st subject.
“Kaw talaga pasaway ka. Pwede mo naman siyang gisingin mamaya, wala pa naman si Mrs. Reyes. Pasaway ka din ‘no? Nabadtrip tuloy si Cindy sa’yo magsorry ka na nga lang sa kanya.”Pinisil ni Kelvin ang dalawa kong pisngi.
“Sige na nga. Mamaya nalang natutulog na siya ulit tignan mo.” Tinuro ko si Cindy na natutulog na naman sa chair niya.
“HAHAHAHA” – sabay kaming natawa ni Kelvin.
After 15 minutes dumating na din si Mrs. Reyes.
Pinuntahan ko agad si Cindy at ginising. Okay na kami ganon lang naman kami, sabi nga ni Kelvin para daw kaming aso’t pusa.
“Goodmorning class. You will have your new classmate. Transferee siya from other school dapat kahapon ko siya ipapakilala but he is not around so yeah today is his first day. Hijo come here and introduce yourself.” – Mrs. Reyes.
“Hello everyone. I’m Chester Cordova. Call me Chester. Ano pa bang sasabihin ko? Ammm kakasixteen ko lang yesterday so that’s the reason kaya hindi ako nakapasok kahapon. I’m single and very available.” (^___~)
Si Chester?? Classmate namen? Classmate namin siya? How come??? Well hindi na din naman ako masyadong nagulat kasi mukha naman siyang matalino. Nakalimutan ko pa lang sabihin Section A kami.
Bigla naman akong kinawayan ni Chester kaya napatingin si Cindy sa akin.
“Psst!! Kilala mo yang poging yan?”
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Novela Juvenil"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...