CHAPTER 5 - I'm Concern because She's My Bestfriend

174 3 0
                                    

KELVIN’S POV

Tsk! Nainis ata sa akin si Faith ah.. Hindi ko naman sinasadya yun. Gusto ko lang talagang masigurado na magugustuhan ni Laila yung ireregalo ko. I want everything to be perfect on that day.

Hinanap ko naman siya. Nung di ko na siya makita bumalik na ako sa Jewelry shop. May tiwala ako kay Faith kaya susundin ko ang suggestion niya.

Hindi ako magaling pumili sa mga ganitong bagay. Tsk! Bakit ba kasi umalis agad si Faith, ang pikon talaga nun, nahahawa na ata kay Cindy e.

Ang dami kong nakitang magagandang necklace and bracelet, hindi ako makapagdecide which is which. Kaya ang binili ko yung simple nalang. Plain lang, sabi nga nila simplicity is beauty kaya sa tingin ko okay na ‘to.

Pagkatapos kong bumili sinubukan ko ulit hanapin si Faith sa mall, baka hindi pa yun nakauwi. Pero sumakit na ang paa ko hindi ko pa din siya nakita.

Umuwi na siguro yun at iniwan talaga ako ah.

Palabas na ako ng mall ng may madaanan akong store ng mga sweet foods.

“Tsk! Pasalamat ka Faith mahal kita.” bulong ko sa sarili ko.

O mali kayo ng iniisip ah. Syempre mahal ko si Faith Bestfriend ko yun e.

Nagpunta ako sa loob ngstore nayun.

“Good afternoon po Sir, welcome.”

“Ah. Miss may lollipop ba kayo dito?”

“Yes Sir, marami po kayong pag pipilian dito. Ano po bang flavor Sir?”

“Kung ano sa tingin mo nalang yung pinakamasarap at magugustuhan ng babae.”

Sorry guys ah hindi ko talaga alam kung anong flavor ng lollipop ang paborito ni Faith. Hindi ko na tinatanong kasi sumasaya naman siya everytime na binigigyan ko siya ng lollipop.

“Para po ba sa girlfriend niyo?”

Ay girlfriend agad? Di pwedeng bestfriend? Pagbinilhan ng lollipop girlfriend agad? Edi matagal ko na sanang girlfriend si Faith. Hahaha

Masakyan na nga lang si ate.

“Oo, kaya kung pwede sana yung magugustuhan talaga niya.”

“Etong strawberry milk flavor nalang Sir. Madalas eto yung binibili ng mga katulad niyong nagpapakasweet sa mga girlfriends nila.”

“Ganun ba? Sige kunin ko nay an.”

“Sige po sa counter nalang po. Siguro nag away po kayo ng girlfriend niyo ‘no?”

Chismosa din si ate ah.

“Ha? Bakit mo naman nasabi yan Miss?”

“Kasi ganun naman talaga ang mga lalaki e. Nagpapakasweet lang kapag may nagawang kasalanan sa mga girlfriends nila.”

Natatawa nalang ako sa kanya. Hindi naman kasi kami nag- away ni Faith e, sinumpong lang yun at mas lalong hindi ko naman siya girlfriend.

Tyaka hindi ako kagaya ng ibang lalaki na nagpapakasweet lang kapag may nagawang kasalanan dahil una sa lahat sweet na talaga ako, it's my nature. Sweet ako sa girlfriend ko kaya nga hindi kami nun nag-aaway e.

Pagkabili ko ng lollipop umuwi na ko.

Pupuntahan ko muna si Faith sabahay nila para ibigay tong lollipop tyaka magsosorry na rin ako sa kanya.

Always Miss Number 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon