FAITH’S POV
Sabay din kaming umuwi ni Kelvin ng araw na yun. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya hinatid si Laila e. Pagkatapos kasi ng klase nag-aya na siyang umuwi.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namen.
“Gusto mo bang dito ka na magdinner?” ako
“Ipagluluto mo ako?”
“Okay lang kung gusto mong hindi makapasok bukas dahil sa pananakit ng tiyan mo sa pagkain ng pagkaing hindi nakakain.” Seryosong sagot ko.
“HAHAHA!”
“Hey! Wag mo nga akong pagtawanan!”
“Hindi kita pinagtatawanan.”
“E ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
Lintik ‘to! Nakakainsulto pa naman yung tawa niya! At ang loko hindi pa din talaga tumitigil sa kakatawa.
Oo na! hindi na ako marunong magluto, matakaw lang ako.
“May naalala lang kasi ako.”
“Ano naman yun? Siguraduhin mo lang nakakatawa talaga ah? Kundi sapak ka sa akin.”
“Naalala mo ba nung nagbakasyon tayo nun sa isang resort sa Batangas? Yung pinagluto ka ni Tita ng kanin?”
“Supposedly white rice pero naging black.”
“Hahaha!! Oo yun nga, dahil sobrang nasunog! Kaya nga hindi ka na ulit inuutusan with regards sa kusina.”
“Oo nga e. Galit na galit nun si Mama. Nagsasayang daw ako ng pagkain. Kababae ko daw na tao ni hindi ako marunong magluto buti pa daw si Kuya kahi lalaki marunong magluto.”
I smiled bitterly. Si Mama, she keep on comparing me with my Kuya sa academics pati na din sa pagluluto. Si Kuya lang ang magaling sa kanya. Well I can’t blame her dahil totoo naman yun and I can’t blame Kuya either dahil siya yun e. Wala na akong magagawa.
“Hey. What’s with that face?”
“Wala naman. I just remembered kung paano ako ikompara ni Mama kay Kuya.”
“I’m sorry. Hindi ko na dapat ipinaalala yun.”
“Ano ka ba? It’s not your fault, utak ko ang sisihin mo dahil naisip niya yun haha.”
Pinilit kong pasiyahin ang boses ko kahit nalulungkot talaga ako. Pinilit ko ring tumawa para mapagtakpan ang lahat ng yun.
“Don’t smile. I don’t want to see your fake smile. Not again.”
“Sorry.”
“You know what Faith? I really admire you that day. Dahil ayaw mong masayang ang niluto mo tulad ng sinabi ng Mama mo pinilit mong kainin yun. That’s the second time I saw you crying.”
“Talaga? May nakakita pala sa akin nun na umiiyak. Kaya nga iniwan ko yun nun dahil nagpunta ako sa tabi ng dagat at umiyak ng umiyak e. Pagdating ko wala ng laman yun kaldero, naisip kong tinapon na yun ni Mama.”
“Naalala mo bang nahospital din ako ng gabing yun?”
“Oo dahil sumakit ang tiyan mo nu---
Napatigil ako sa pagsasalita sa naisip ko. Hindi kaya?
“Ikaw ang kumain ng natira nun sa sobrang sunog na pagkain?”
Tumango lang siya bilang sagot.
Bigla naman akong kakonsensiya sa nalaman ko. So ibig sabihin nun ako ang may kasalanan kung bakit siya nahospital that time? Oh God.
BINABASA MO ANG
Always Miss Number 2 [On Going]
Teen Fiction"Ang hirap kasi sa'yo siya nalang at siya ang nakikita mo! Subukan mo namang tumingin sa paligid mo o kahit man sa tabi mo para makita mo na nandito lang. Nandito ako Kelvin! Alam kong pangalawa lang ako sa'yo. Lagi naman e. Subukan mo akong mahalin...