Chapter 1

137 21 9
                                    


"Ano'ng kinuha mong course, Sab? Nag Masscom si Dani ah. Si Maurene at Sky 'di ko alam ano kinuha nun. Nag Psych ata or veterinary."

"Education kinuha ko." Sagot ko sakan'ya.

"History?"

"Mmm." Tumango ako.
"Alam mo namang ang hilig-hilig ko sa History eh."

"Buti ka pa gustong-gusto mo 'yong course na kinuha mo. Saka bagay naman sa'yo 'yang profession na'yan. Ako, eto at napilitan lang sa course ko. Si papa nag pili eh."

"Ano ba kinuha mo?"

"PolSci." Rinig ko habang nag tutupi ng damit ang pag buntong-hininga ni Saniyah.

"You'll proceed, Law?"

"'Yon gusto ni papa. Hindi ko alam kung kakayanin ko eh. Saka siguro naman magugustohan ko 'tong course na'to. Wala din naman akong magagawa."

"May reason si Lord bakit d'yan ka napunta, San. Malay mo maging Politician ka tapos Ikaw ang pinaka- unang Christan na Mayor dito sa Isabela."

Pareha kaming natawa sa sinabi ko.

"Oo, tapos mandatory ang pag sisimba tuwing linggo. Ang ayaw sumunod ipapakulong ko."

"Anagkazo spirit yarn?"

"Today is the day of Salvation." Tawang- tawa ako nang tumayo pa ito at nag pose ng kung ano- ano.

"Ladies and gentlemen, Repent! Jesus is coming soon!"

Tinaasan ko s'ya ng isang kilay habang tumatawa.

"Bumaba ka nga d'yan. Masisira bangko ko dahil sa'yo eh."

"60 lang timbang ko, Sabina ah."

"Basta, baba na, dali."

"Anong kagulohan ba 'yan?" Dumating sina Maureen at Skyler na parehong mukhang kakagising lang. Wala si Dani, nasa bahay pa raw nila at nag e-empake para lumipat dito sa apartment na tinutuloyan namin. 

"Wala, plano lang ni Saniyah maging Mayor dito sa lugar natin tapos mandatory daw ang pagsisimba."

"Hoy hindi ba magandang idea 'yan?" Nanlaki ang mga mata na sabi ni Skyler. Tumabi silang dalawa ni Maureen saakin dito sa kama ko.
"Magiging instrument ang government para marami pa ang makarinig ng Gospel."

"Nothing is impossible with God pero tanggapin na natin na hindi lahat mag ye-yes. Alam n'yo na, free will."

Tumango- tango ako.

"Are you guys ready?" Tanong ko sa kanila.
"New faces and new classmates means new temptations, persecutions and rejections."

"Masasanay din tayo." Sagot ni Mau.
"We're not exempted kasi si Jesus nakaranas din 'non. Ganito talaga, the living God has persecuted servants."

"Amen!" Sabay naming sigaw.

"Nga pala, na tanong ko kanina. Nag PolSci ako, si Sab naman nag Education. Anong kinuha n'yong course?"

"I took Business Administration itong si Sky ang nag Veterinary. " Sagot ni Mau.

"Same department sana tayo, Sab. Nag exam din ako for Education, English major pero naubusan ng slots. Hindi talaga para saakin."

"God's will." Sabay sagot namin ni Sani.

"Where's Dani, by the way?"

"Papunta na 'yon. Alam nyo namang tagal- tagal nun kumilos. Kaya na la-late sa Praise and Worship minsan eh. Na rebuke pa nga ni ate Micailla." Tukoy ko sa Pastora namin sa Ministry. Asawa sya ni Pastor George Lopez na aming Pastor.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now