Chapter 15

22 10 3
                                    

Masamang-masama ang loob ko habang naglalakad papalabas ng campus.

Pwede naman naming pag-usapan ng maayos pero 'yon at iniwan pa akong mag-isa.

Ganoon lang ba 'yon? Kapag mag-aaway kami iiwan n'ya lang ako basta-basta tapos sisigawan?

Naiintindihan ko naman kung bakit s'ya galit, alam kong may kasalanan din ako. Dapat pala sinabi ko sakan'ya muna. Totoong hindi ako tumanggi sa scene na 'yon kasi wala lang naman 'yon para saakin pero...

I closed my eyes, tama parin si Elizer, dapat inisip ko na may boyfriend ako at kaylangan kong nagpaalam muna sakan'ya.

Ilang beses akong bumuntong-hininga. Ayokong may makakita saaking  students na umiiyak ako.

"Chin up, para kang na scam, d'yan."

Inangat ko ang mga tingin at nakita kong nasa tabi ko na pala si Elijah at sinasabayan akong maglakad.

"Nasaan motor mo? Bakit naglalakad kalang?" Tanong ko sakan'ya.

"Hiniram ng kapatid ko." Tipid n'yang sagot.
"So...what happened? Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?"

I just shrugged and continue walking. Iintindihin ko nalang s'ya, baka nga pagod na pagod lang s'ya ngayon at nagawa n'ya akong sigawan at murahin kanina...

"Let me guess, nag-away kayo?"

Hindi ko alam kung tama bang mag share sakan'ya pero tumango lang ako.
"Nakita ata n'ya 'yong kissing scene natin kanina." Mahina kong sabi na ikinatigil n'ya.

"Ah, yeah."

Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Bakit parang hindi ka naman nagulat sa sinabi ko?"

"It's not surprising, Sab." Saglit n'ya akong tinignan bago inayos ang suot na salamin.

"That's normal kasi... boyfriend mo s'ya. Kung ako ang nasa posisyon ni Anderson ay baka..." Saglit s'yang huminto sa pagsasalita saka marahang tumawa.
"Baka nasuntok ko na ang lalaking kahalikan mo."

Napanguso ako. Mas lalo lang pinagdidiinan ni Pres na valid ang galit ni Eli kanina.

"If I were him, I would be jealous too."

"Kasalanan ko talaga..." Mahina kong bulong.

"Nasabi mo sakan'ya na hindi naman totoong kiss 'yon?"

Umiling ako. "Hindi ko nasabi, nagulat ako kasi...sinigawan n'ya ako kanina. Pero pagod lang 'yon. Hindi naman ganoon si Eli." Pilit kong tawa.

Elizer is a good person. Magiging maayos din ang lahat bukas.

"Oh, he did that?"

"Yeah."

Huminto kami saglit sa isang waiting shed.

"I will talk to him later." Aniya. "May kasalanan din ako kaya kasali ako sa gulo nyo." He chuckled.

"Parang close nyo ah?"

"Nah. Kakausapin ko lang sa messenger.  Ayokong..." Lumingon s'ya saakin.
"Ayokong mukha kang pato kakanguso dahil hindi kayo maayos."

"Ayos lang ako, 'no." Ani ko.

Tahimik na kaming naglalakad. Marami akong iniisip, kung paano ko kakausapin bukas si Eli at may activities pa ako.

Maisip ko lang 'yong reporting namin sa Rizal at oral namin ay sumasakit na ang ulo ko.

"Sabina. May sasabihin ako."

"Ano ba 'yon?" Kung tungkol sa History namin 'yan, ayoko nalang makinig. Sasakit lang ang ulo ko.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now