"Saan kayo galing? Bakit magkasabay kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay ah."
Bumalik kami ni Elizer sa mga pwesto namin kanina.
"Nakasalubong ko lang si Sabina d'yan papalabas." Maikling sagot ni Eli.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin din saamin ang mga kaibigan ko. Nanunuri ang mga tingin...at alam nilang may something. Kilala ako ng mga kaibigan ko at hindi ko alam kung anong meron sakanila bakit nababasa nila ako. Alam nila kung kaylan ako nagsasabi ng totoo sa hindi.
"Kumain na ulit tayo." Ani Maurene. May mga kandila na sa mesa kaya maliwanag na.
"Pres, may power bank ka?" Ngumuso ako.
"Shut down na ako.""Nasa motor ko eh. Kukunin ko lang."
"Wag na." Pigil ko sakan'ya nang akmang tatayo na s'ya.
"Kumain ka nalang d'yan. Mamaya na.""Alright."
Kumain na ulit kami...or should I say sila, dahil busog na busog na ako.
Wala rin akong cellphone kaya naman nakinig lang ako sa mga usapan ng mga kasama ko.
"Kamusta naman ang mga buhay nyo? Shutaa ang bilis lang ng panahon ah. Noon bakla pa 'tong si Russel."
They laughed.
"Don't mention it." Pabirong binato ni Russel si James ng mani.
"Tignan nyo nga ngayon si Russel, active na sa simbahan. Nahihiya tuloy akong makipag-usap pakiramdam ko ang sama-sama ko."
"Gusto mo magbago? Ako bahala sayo tutulongan kita."
James covered his mouth. Napailing nalang ako. Maybe not now pero kung parating kasama nina James si Russel, walang imposible na mabago sila.
"Ikaw Sky?"
"Still studying." Nakasimangot n'yang sagot. Saamin ay s'ya nalang nag-aaral dahil 6 years naman pag-aaralan ang vet. Committed s'ya sa kurso n'ya kaya alam kong nag e-enjoy s'ya.
Nakangiti ako habang nakatingin sakanila nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko na nasa ilalim.
Nilingon ko si Elizer pero parang wala lang ito sakan'ya. Nakangiti pa itong nakikinig sa mga chika ng mga kasama namin.
"Ikaw Anderson?"
"For the meantime, I'm working as an assistant, kilala nyo si Attorney Sy? He's my boss."Sagot ni Eli.
"Oo, kilalang-kilala 'yang lawyer dito sa Isabela eh."
"Yeah."
Nakatanga lang ako sakan'ya nang maramdamang hinahaplos n'ya ang kamay ko.
Pakiramdam ko may ginagawa kaming kasalanan pero hindi ko naman matanggal ang kamay n'ya dahil...gusto ko ang pakiramdam na hawak n'ya ako.
"Start na ba 'yan ng pagpasok mo sa Politika?"
Nilingon ako ni Eli, mukhang namangha sa tanong ko. Napansin ko ring nakatingin ang iba saakin, gusto ko tuloy bawiin ang tanong ko.
"Yes, Sab." Nakangiting sagot n'ya saakin na para bang ako lang ang nasa paligid n'ya.
"Because someone told me that... I'll be a great leader someday "Nag-iwas ako ng tingin sakan'ya. Muling nag-flash sa isip ko ang mga ala-ala namin noon.
At some point para akong...nanghinayang. We were perfect for each other. Maraming naka-support sa relasyon namin noon kahit ang mga pamilya namin.
"Wow, napaka-unusual na ng mga kagaya nito ni Elizer at Darsel ah. Na kahit mayayaman ang pamilya ay nagta- trabaho parin sila talaga para kumita."
"Ikaw na nagsabi, pamilya namin ang mayaman. Hindi kami." Sagot ni Darsel. S'ya kasi ang nagpapatakbo ng isang meat shop ngayon malapit lang sa bahay nila.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...