Maaga akong dumating sa school sa kadahilanang kaylangan ko pang gumawa ng assignment, tuloy ay parang pagod ako at hindi man lang nakakain ng maayos. Kanina nga nang magising ako ay tulog na tulog pa si Dani.
As what I've expected, ako pa ang student sa room, though may mga nadaanan akong ibang students sa labas na mas maaga pa talaga saakin.
Madali lang naman ang assignment ko dahil forms of government lang naman iyon no'ng Spanish era.
"Good morning, Sab."
"Good morning." Tinangoan ko ang bagong dating na si Jasmine.
"Gawa mo?"
"Assignment natin kay ma'am, Arlyn." Sagot ko habang nagsusulat.
"Hindi ko kasi nagawa kagabi eh."" 'Yong kay ma'am Janice, natapos mo na?"
"Yupp."
Priority ko kaya 'yon. Syempre nag bida- bida kay ma'am Janice.
Lilim akong natawa sa naisip ko.
Nang malapit na akong matapos ay nasa mga sampu kami dito sa room. Puro lang naka cellphone kaya ang tahimik.
"SABINA!"
Boses palang ay kilala ko na kung sinong dumating. Nilingon ko ang pinto at nando'n nga si Russel kumakaway.
"Ingay mo! Halika nga, patingin ng assignment mo kay Ma'am Arlyn." Natatawa kong sabi sakan'ya.
"Ahh.. kasi ano, Sab." Parang kinakabahan n'yang sabi.
"Ano?" Kumunot ang noo ko.
"She's here?"
Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay nag transform ang paligid. Dahil ang kaninang tahimik na room at tahimik na hallway ay biglang dumami ang mga tao. Una kong nakita si Jona na ang laki ng ngiti at sunod kong tinapunan ng tingin ang katabi n'yang lalaki.
Napamura ako sa isip kasabay ng malakas na pag kabog ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay may mga nag tatakbohang kabayo sa loob ko.
Mukhang may idea na ako kung sino s'ya.
"Ayun!" Pumapalakpak pang sabi ni Russel.
"Sabina, may naghahanap sayo, si Elizer!"Lumingon saakin ang lalaking kasama nina Jona dahilan para muli akong mapamura sa isip nang makita ang itsura neto.
Ilang taon na akong hindi nakapag mura pero ngayon ay 'diko mapigilang mag mura sa kaba at sa itsura ng lalaki.
OA it may sound pero sa tanang buhay ko, s'ya palang ang pinaka gwapong lalaki kong nakita. Maraming gwapo sa television but his beauty hits different.
May binulong 'yong Elizer kina Jona at ang kaninang kaba ko ay mas lalo pang nadagdagan nang makitang papalapit s'ya sa direction ko.
Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin! Maingay ang paligid, but goodness, all I could hear was the thumping of my heart.
"Hi."
Napakagat ako ng ibabang labi. His voice is sexy.
"Yes?" Wow, Sabina. Galing mong umarte na parang hindi ka apektado sa presence n'ya ah.
Hindi kaya, namumutla na ako ngayon?
"Loosen up." He chuckled.
"You look scared."Do'n lang ako natauhan. Tumikhim ako at muling umayos ng upo. S'ya naman sumandal sa mesa ni ma'am, since nasa harap ako naka-upo.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
EspiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...