"Ay papi!" Nakangising sabi ni Russel nang makita namin ang mesa kung nasaan sila Elizer.
Mukhang dalawang mesa iyon at pinagdugtong nila para magkasya kami.May kasamang tatlong lalaki si Elizer na sa hula ko ay mga kaibigan n'ya. Tulad ni Elizer ay tila mga mayayaman din ang mga ito at ang ga-gwapo pa.
"Akin 'yang naka grey ah."
Narinig ko pa ang inis na reaction ni Jona.
"Kahit sa'yo 'yang lahat. Diko type mga 'yan, saka hindi karin type ng mga 'yan."
Sasagot pa si Russel pero inunahan ko na.
"Tara na at nagugutom na ako."
Sakto namang malapit na kami nang mapalingon si Elizer sa direksyon namin.
"Finally." Rinig kong sabi n'ya.
Pagkarating namin sa mesa ay agad nila kaming pina- upo.
Katabi ko si Elizer sa kanan habang sa kaliwa naman ay katabi ko si Jona sunod si Russel.
Binati ni Russel ang pinsang si Darsel at nagpakilala naman kami sa isat-isa.
May mangilan- ngilang mga studyante na lumilingon sa direksyon namin. Mga gwapo naman kasi ang kasama namin, kahit si Russel ay gwapo din kung hindi pusong babae.
We talked like old friends at tuwang-tuwa ako dahil comfortable lang silang kausap. Ang akala ko ay masusungit ang mga ito. Tahimik iyong si Francis at mas playful naman si Dylan.
"How's your day so far, Sab?" Tanong ni Eli saakin. Sa isang iglap lang ay para na kaming may sariling mundo dahil may kanya-kanyang kausap naman ang nasa table namin.
"Ayos lang." Sagot ko habang kumakain.
"Salamat sa libro kanina ah.""Nagustohan mo?"
"Oo nga."
"Tapos mahal mo pa?"
Mahina akong natawa. Parang batang nagtatampo. Hindi mo aakalain sa itsura n'yang 'yan ay may ganoon s'yang personality.
"Alam mo na sagot d'yan."
"How about my question?"
"Nasagot ko na rin kanina."
"Final na 'yon? Not negotiable na?"
Muli akong tumawa ng mahina. Titig na titig s'ya saakin na bahagya pang nakanguso.
Cute and at the same time, gwapo.
"Pag- iisipan ko pa." Biro ko.
But then again, I forgot na s'ya pala si Elizer Nate Anderson na hindi mabiro.
"Sabi mo yan ah. I'll stick with my promise. Bibilhin ko talaga buong History books para sa'yo."
"Bahala ka." Pala desisyon naman s'ya eh.
At ako naman na parang marupok, sumusunod agad.
"Sino nga 'yong lalaking lumapit sa'yo kanina?" Nilagay n'ya ang braso sa sandalan ng silya sa likod ko. Tuloy ay parang naka- akbay s'ya saakin.
"Babakuran naba kita? Ang daming lumalapit sa'yo ah."
" H-huh? "
Namula ako.
Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa subrang pagkabog nito. Ayan na naman s'ya sa mga linya n'yang 'yan.
Pansin ko rin na automatic ang puso ko na kumakabog kapag nakikita ko si Eli.
"Ano..." Tumikhim ako.
"Wala nga lang 'yon . Tinanong lang ako kung sasali ba ako sa dance group nila.""Ano sagot mo?" Nakakunot ang noong tanong n'ya saakin.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...