Chapter 9

28 14 0
                                    

Pinandilatan ko si Elizer lalo na nang makita kong naka uniform pa s'ya. Wala akong pakialam kahit ang gwapo n'ya sa uniform n'yang pang Maritime dahil gusto ko lang s'yang batukan ngayon.

"Ang tigas ng ulo mo, Elizer Nate Anderson." Inis kong sabi.
"Wag mong sabihin na a- absent ka nanaman ngayon dahil saakin?"

Nakangiti s'yang lumapit saakin.
"Relax, Sab. Papasok ako mamaya saka ginawan na ako ng excuse letter ni Francis para sa first and second subject namin." 

"Kahit na."

"Come on, Sabina. I just want to be with you. This is my job as your suitor."

I closed my eyes hardly saka s'ya pinapasok sa Apartment.

Tingin pa s'ya ng tingin sa paligid para s'yang naghahanap ng alikabok.

"Ano bang gagawin mo dito eh magaling nanaman ako." Sabi ko.
"Upo ka nga."

Inilapag nito ang pagkain sa center table saka nakangiting umupo, sa tabi ko.

"You're so beautiful today."

I scoffed.
"Hindi ako naligo at hindi ko pa sinuklay ng maayos ang buhok ko. Anong maganda dito?"

"You're beautiful, Sab. Kahit isang linggo lang hindi maliligo."

"Eww." Sinamaan ko s'ya ng tingin pero tinawanan lang ako.

"Wait." Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa.
"Let's take a picture."

"Huh? Ayaw. Nahihiya ako, naka uniform ka samantalang nakapambahay lang ako oh."

"That's okay, Sab. I told you you're beautiful. Come on." Inakbayan n'ya ako.

Ang bango n'ya, nakakahiya tuloy baka ang baho ko na.

Binuksan nito ang camera at saka itinaas para mag selfie kami.

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti sa camera. Buti nalang at Iphone ang cellphone n'ya kaya kahit papaano ay maganda akong tignan doon.

Tinignan ko s'ya at para bang tuwang-tuwa itong nakatingin sa picture naming dalawa, and I swear to God, parang kumikislap ang mga mata n'ya.

Matapos n'yang pagsawaan ang pictures namin ay bumaling s'ya saakin.

"Kumain kana. May chicken d'yan."

"Yeyy!" Tumayo ako saka kinuha ang dala n'ya at nauna na sa kusina.

"Dali Eli. Samahan moko kumain."

I heard footsteps kaya alam kong sinundan n'ya ako dito sa kusina. Kumuha ako ng plato at kutsara saka inilagay iyon sa mesa, si Elizer naman ay nakatingin lang saakin na nakasandal sa entrance ng kitchen.

"Problema mo? Umupo ka na at kakain na tayo." Nakangiti kong sabi.

"You still look pale."

Umarko ang kilay ko. "Syempre, galing sa lagnat. Wag mo ng isipin kasi, maayos na ako. Kita mo ngang nakakagalaw na ako eh."

Last night ni- lay hands ako ni Mau.  Pagkatapos no'n ay nag corporate prayer na kami sa loob ng kwarto ko at ako lang ata ang medyo mabigat ang loob kagabi dahil hirap na hirap akong mag intercede sa prayer dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatang sumali sakanila.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now