Chapter 19

26 9 0
                                    

"Bakit parang bad mood ka?"

"Wala." Nilagay ko ang cellphone sa sahig saka nagpatuloy sa pagbabasa.
"Stress lang, ang dami ko pang dapat pag-aralan."

May last performance pa kami sa PE bukas. Pagod na pagod na ang utak ko sa kaka-review. Midterm examination na kasi namin, nagsimula kahapon.

Siguro...'yon din ang reason bakit hindi nag re-reply si Elizer sa mga chat ko, kanina pang umaga. Hindi ko rin s'ya nakita sa campus kanina.

Si Jona lang ang nag text saakin na medyo nahihirapan na s'ya sa pagbubuntis.

Nasa bahay na s'ya ng mama n'ya ngayon. Nalaman kasi ng ina nito na buntis s'ya at pinuntahan dito. Ang akala pa namin ay magagalit ang mama n'ya, hindi naman pala. 'Yong papa lang n'ya ang medyo hindi sang-ayon sa pagbubuntis ni Jona lalo na't hindi n'ya sinabi sa mga ito kung sino ang ama.

"Where's your man?" Nanunudyo ang boses ni Sky.

"Ewan." Walang gana kong sagot.
"Baka nag-aaral ng mabuti. Alam mo naman 'yon, competitive sa pag-aaral."

"Hmm." Tinignan ni Sky ang isang kamay. Naglalagay kasi ito ng nail polish ngayon, parang walang exam bukas.
Maurene and Saniyah is in their room, studying.

Mas pinili ko dito sa sala kasi akala ko walang strubo. Hindi ako maka-concentrate sa pag-aaral. Si Elizer naman kasi, ayaw mag reply.

"Puntahan mo na."

"Huh?"

"Puntahan mo na 'yang boyfriend mo. Kaysa naman para kang ano d'yan kakanguso mo. Sure naman akong hindi ka rin makakapag-aral kapag gan'yan."

Ngumisi ako sakan'ya. "Wow, Sky. Bakit mo ako pinapapunta sakan'ya. Sa pagkaka-alam ko ayaw na ayaw mo sa boyfriend ko ah."

S'ya lang itong unang araw palang nagdeklara ng ayaw n'ya sa lalaki, hanggang ngayon.

"Well ayoko naman talaga sakan'ya. Kapag may ginawa 'yon sa'yo, kilala mo ako Sabina, nakakalimutan kong isa akong Kristyano kapag galit ako."

Tumango ako. 'Yon ang pinaka-struggle ni Sky as a Christian. Mabilis kasi itong magalit at maliit lang ang pasensya. Wino-work out naman n'ya. It's a process and I think nag i-improve naman s'ya.

"Pupuntahan ko muna." Sabi ko saka tumayo.
"Baka s'ya nanaman mag-isa sa bahay nila ngayon eh."

Kinuha ko 'yong cellphone ko at maliit na pitaka saka lumabas ng apartment.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay nina Elizer.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang bahay nila.

"Dito lang po." Sabi ko saka nagbayad.

Nang makababa ay muli kong tinawagan ang number ni Eli pero mukhang nakapatay parin ang cellphone.

Bumuga ako ng hangin. Ganoon ba s'ya ka-busy? Kahit isang text man lang ay hindi n'ya magawa. Hindi ba n'ya naisip na may girlfriend s'yang nag-aalala sakan'ya?

Bukas ang fenced gate ng kanilang bahay at may nakaparada pang puting kotse sa labas kaya sure akong may tao sa loob. At dahil madalas nanaman akong nandito ay pumasok na ako.

"S-Sabina!" Nanlaki ang mga mata ni Dale nang makita ako.

"Dale." Kumunot ang noo ko. Bakit parang gulat na gulat naman itong makita ako ngayon. Alas-sais pa naman at sigurado naman akong hindi ako nakaka-strubo sakanila.

"I...I didn't know na pupunta ka." Hilaw s'yang tumawa.
"Ano kasi..." Tumingin s'ya sa bahay nila saka ngumiti saakin.

Lalo namang kumunot ang noo ko dahil hindi s'ya mapakali. Parang namumutla pa.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now