"SABINA ANAK! MAY BISITA KA!"Pabalikwas akong tumayo sa kama. Si Elizer nanaman 'yon panigurado.
"Naku hijo sana hindi kana nag-abala. Lagi ka nalang nagdadala ng pasalubong eh."
"Ayos lang, tita. Buong pamilya po ni Sabina ang nililigawan ko."
Napanguso ako nang makitang ang saya nina mama at Elizer sa sala. Ang aga-aga naman dumating ng lalaking 'to. 10am pa ang fellowship ah.
"Oh nand'yan na pala ang anak ko." Natatawang sabi ni mama nang makita ako.
"Anak kausapin mo lang itong boyfriend mo at magluluto lang ako.""Ma! Hindi ko nga po boyfriend!" Reklamo ko.
Tinawanan lang ako ni mama. "Sus do'n din papunta 'yan." Anito saka pumunta sa kusina.
"Hello sunshine." Bati saakin ni Eli. Nakangiti ito at fresh na fresh.
"Masyado kang maaga. Mamayang 10 pa ang service."
"9 tayo pupunta do'n remember? You'll formally introduce me to your Pastor."
Ngumiwi lang ako sakan'ya. Para namang hindi sila magkakilala. Ang gusto pa kasi nito ni Elizer ay pormal ko s'yang ipakilala bilang manliligaw ko.
Dalawang linggo na s'yang nanliligaw saakin, matapos no'ng usapan namin sa dagat at talagang pati mama at papa ko ay nililigawan n'ya. Pati sina Sky, Maurene, Saniyah at Dani. At ang mga kaibigan ko namang iyon ay halos ipamigay na ako sa lalaki nang malaman nila ang mga nangyari.
"Saka tutulongan ko si mama Yannie sa pagluluto ng breakfast."
I scoffed. "Mama ko 'yon wag mo'kong agawan ng ina."
"Come oh, dalawa na mama mo, kasi mama mo na ang mama ko." He chuckled.
"Gulo mo Elizer. D'yan ka na nga at maliligo pa ako."
"Okay." Nakangiti n'yang sabi. Ang saya talaga ng lalaking 'to.
Iniwan ko na s'ya sa sala dahil tutulong daw sa kusina ni mama. Naligo na ako at nag nagbihis ng Sunday dress. 'Yong yellow na dress ang sinuot ko. Bagong bili ko pa 'yon, medyo mahal pero nagustohan ko kaya ayos lang. Bagay kasi talaga saakin kapag yellow ang kulay ng damit na sinusuot ko.
"Ang aga pa mga anak."
"Hello po, Pastor George." Nagmano kami kay Pastor. Nasa left wing kami ngayon ng simbahan at nadatnan namin si Pastor George na nagkakape.
"Maupo kayo."
"Opo." Umupo kami sa harap n'ya. Tuloy ay kinakabahan ako dahil mukhang may idea na si Pastor George kung anong meron saamin ni Eli. Lalo na at maingay ang mga kaibigan ko. Sigurado akong nasabi na nila kay Pastora Micailla.
"So? What brings you here, mga anak?"
Ngumuso ako saka siniko si Elizer para magsalita. Natawa pa s'ya, mukhang napansin na kinakabahan ako.
"May sasabihin lang po si Sabina sainyo, Pastor."
I pursed my lips. Ako talaga?
"Ano po..." Tumikhim ako.
"Si Elizer po.""Kilala na ako n'yan, Sab." Bulong ni Eli saka marahang tumawa.
"Pastor George, nanliligaw po ako kay Sabina."
Bahagya akong napasinghap sa dire-deritsong niyang pagsabi. Nakatingin lang saamin si Kuya, walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito kaya tama nga ako na may alam na s'ya.
"Boyfriend po ako ni Sabina noong College pa s'ya pero naghiwalay po kami. Hindi pa po ako Christan noon pero ngayon pong disciple na ako ay makapal na po ang mukha kong humarap sainyo. Confident po akong maalagaan ko na ng mabuti si Sabina ngayon."
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
EspiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...