"Gusto ko 'tong letchon nila, hindi matabang." Nakangiting bumalik si Elijah sa tabi ko at may kagat-kagat na ito ngayong balat ng letchon. Pinaupo ko naman ng maayos si Klea dahil nakita nitong paparating narin ang mama n'ya.
"Oh sayo na, kukuha nalang ako ng bago. Mukhang paiyak kana eh." Sinimangutan ko s'ya.
"You're not funny."
"Yes, I'm Elijah."
"Share mo lang?"
"Nag-aaway nanaman kayo." Singit ni Jona saka umupo.
"Kukuha lang ako ng pagkain." Paalam ko sakanila dahil nagugutom narin ako.
Nadaanan ko sina Sky na nakangisi saakin at sure ako kung anong meaning ng mga ngising 'yon.
Hindi ko nalang sila pinatulan.Pagkatapos ng kainanan ay natapos narin ang program at isa-isang nagpaalam ang mga tao kina Pastor.
Kaming mga disciples ay nahati sa dalawa. Ang iba ay maiiwan dito sa Church para maglinis habang kami nina Elijah ay doon sa bahay nina Pastor.
Pinauna na ni Jona si Russel pauwi para patulugin si Klea dahil inaantok na ito kaya naman kaming tatlo nalang ang pumunta sa bahay nina Pastor, naglakad lang kami kasi subrang lapit lang naman.
"Ang daming huhugasan pero dahil pogi ako, tutulong ako." Ani Elijah nang makarating kami sa kusina.
Nag volunteer kaming tatlo nina Jona na maghugas ng pinggan dahil wala naman kaming ginagawa masyado kaninang umaga.
"Dalawa na ang church mo, Pres." Sabi ni Jona habang inaalis ang mga pagkaing natira sa plato. Ako ang nagsasabon saka si Pres ang nagbabanlaw.
"Sinadya mo talaga 'to para marami kang kakainan.""Ah? So that's my verdict?"
"Oo." Sabay sabi namin ni Jona dahilan para sumimangot ang mukha n'ya.
"Hi, disciples. Ayos lang ba kayo riyan?"
Dumating si ate Micailla may dala pa itong coke."Ayos lang ate." Sagot ko.
"Ayos lang ate." Sagot ni Pres.
"Nag e-enjoy naman po sina Sabina sa paghuhugas dahil nandito ako."Tinawanan lang namin si Elijah. Bida-bida nanaman eh.
"May dadating pa na hugasin mamaya, nando'n sina Cheska sa labas, sila ang papalit sainyo d'yan."
"Opo ate. Salamat po."
Nagpaalam saamin si ate Micailla kaya pinagpatuloy na namin ang paghuhugas.
Nang matapos ay pumunta kami sa sala para magpahinga saglit. Malaki-laki ang bahay nina Pastor dahil kapag may mga bisita ang church ay dito muna pinapatulog. Pero plano narin na ipa-expand 'yong church building namin para maayos na may pahingahan ang mga bisita, medyo masikip kasi sa left wing, hindi naman kami magkasya doon lahat.
"Nag text si Russel, hinahanap na raw ako ni Klea. Pwede na kaya umuwi?" Tanong saamin ni Jona.
"Pwede na 'yan. Marami namang disciples ang nandito saka nakauwi narin ang iba."
Nasa church ngayon sina Mau at tinatanggal ang mga decoration. Siguro ay susunod ako sakanila.
Nandoon din kaya si Elizer? Pero mukhang umuwi na 'yon. Ang mga taong kagaya n'ya ay masyadong busy para manatili pa sa Church. Unless kung tumulong s'ya sa paglilinis.
"Pres ihatid mo na si Jona." Sabi ko.
"Okie dokie. Ikaw? Di kapa uuwi?"
Umiling ako. "Mamaya na, hihintayin ko muna sina Maurene."
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...