Pastor George once said,
"Kapag mas minahal mo ang ka-relasyon mo kaysa sa Panginoon...maghanda ka na, dahil sisirain ng Panginoon ang relasyon n'yo."Hindi ako nakinig.
Am I ready to face the consequences after my disobedience?
Ready or not it'll happen anyway and it is excruciating.
That's what I'm feeling right now.
"Sabina..." Lumapit s'ya saakin.
"Please...t-tell me we're not going to break up." He pleaded.Tears fell from his eyes. Mas lalong sumakit ang puso ko dahil... umiiyak s'ya. The mighty Elizer Nate Anderson is now crying in front of me at alam kong pareho kaming nasasaktan.
Ubos na ubos na ako, palagi nalang akong umiiyak at hindi ko alam na may luha pa pala akong maiiyak ngayong gabi.
Biglang nag-flash sa isip ko ang mga sinabi nina Sky at Mau saakin.
Nanginginig man ang tuhod ko ay naglakad ako papalapit kay Elizer, kapagkuwan ay dahan-dahan akong yumakap sakan'ya.
"N-no. S-Sab..." Pilit akong hinila ni Elizer papalayo pero mas lalo lang akong yumakap sakan'ya at humagulgol ng iyak.
Ang sakit, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko ngayong yakap ang lalaking una kong minahal sa mundong to.
"P-please, Sab."
Hindi ko s'ya pinakinggan, iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sakan'ya.
Ilang sandali pa ay natahimik si Elizer kasunod nun ay narinig ko ang mahina n'yang pag-iyak. Kapagkuwan ay yumakap narin s'ya saakin na para bang sumusuko narin s'ya.
I buried my face against his chest more. Para akong batang umiiyak.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit magmahal.
Four months. Ayos na 'yon. Ang mahalaga naman ay nagkakilala kami. Ang mahalaga ay kahit papaano naparamdan ko sakan'ya na mahal ko s'ya at ganoon din s'ya saakin.
"Eli—"
"No...I-I don't want to hear it, baby. Please. I love you, baby. I love you."
Umiling ako ng ilang beses saka lumayo sakan'ya. Punong-puno ng luha ang mga mata n'ya ngayon, kagaya ng saakin.
Ang gulo ng sitwasyon. Mahal na mahal ko s'ya pero hindi ko kayang kalimutan nalang ang ginawa n'ya saakin.
"S-sige na, Eli." Hirap na hirap kong sabi.
"T-tama na. Nasasaktan na tayong... pareho.""Sabina, please." Inabot n'ya ang isa kong kamay.
"I'll make it up to you. H-hindi na ako magseselos sainyo ni Elijah. Lalayuan ko narin si Gwen. Just please...Sabina wag namang...wag namang ganito." Pagmamakaawa n'ya."Tapos na t-tayo, Eli." Buong tapang kong sabi kasabay ng pagkadurog ng puso ko.
Pero alam kong tama 'tong gagawin ko dahil kung hindi, baka sa susunod ay buong pagkatao ko na ang madurog. We're both hurting at hindi lang para saakin 'to. I want for the both of us to have peace.
"Ayoko." Ilang beses s'yang umiling.
"Eli, sana naisip mo 'yan noong kasama mo si Gwen." Sabi ko saka umatras.
"Pero tapos na lahat, pwede mo ng..." I sighed.
"Pwede na kayo ni Gwen dahil wala ng ako na magseselos." Ngumiti ako sakan'ya ng pilit."Pero Eli, ayokong...matapos tayong...puno ako ng galit ko sa'yo. Kaya... pinapatawad na kita."
Pinahid ko ang mga luha ko sa mata pero patuloy parin 'yon sa pagbuhos kaya hinayaan ko nalang.
Nakayuko lang si Elizer at gumagalaw ang balikat nito sa subrang pag-iyak. Kung magtagal pa kami rito ay baka maawa ako at mabawi ko sakan'ya ang mga sinabi ko.
"M-mahal na mahal kita, Eli." Sabi ko.
"Pero hindi dapat ganito kasakit ang pagmamahal. S-siguro hindi talaga p-pwede kaya wag na nating ipilit pa."Lumapit akong muli sakan'ya saka sinuklay gamit ang mga kamay ko ang buhok n'ya.
"Sige na, Eli." Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin. Pulang-pula ang mga mata n'ya dahil sa pag-iyak.
"Aalis na ako, ha?" Sabi ko.
"K-Kasi baka... kaylangan na ako sa Hospital." Pagsisinungaling ko.Hindi s'ya sumagot at nakatingin lang saakin.
Mukhang wala s'yang balak magsalita kaya tumalikod na ako.
"S-Sabina. Magsisimba ako."
Napahinto ako sa narinig.
Dahan-dahan kong nilingon ulit si Elizer.
"Anong...sabi mo?"
"Magsisimba na ako kasama mo, Sab. Makikinig ako sa...sa 'yo. Diba? 'Yong...'yong... verse na sasabihin mo saakin?"
Ngumiti ako sakan'ya.
"Eli, ayaw ni Lord na napipilitan ka. Gusto kong...gawin mo 'yon hindi dahil mahal mo ako, kundi dahil mahal mo S'ya."Hindi ko na kaya pang tignan s'ya kaya tumalikod na ako at tuluyang umalis. Papalayo sa lalaking mahal ko.
Bawat hakbang ko papalayo sakan'ya ay mas lumalakas din ang pag-iyak ko. Pigil na pigil ako sa sariling wag lumingon pabalik at yakapin s'ya dahil alam kong sa oras na magawa ko 'yon, alam kong bibigay lang ako.
Alam kong hinding-hindi ko s'ya mapapakawalan kahit niloko n'ya ako, kahit masakit at magulo ay kaya kong manatili....pero mas nanaig saakin ang tumigil na. Kasi masakit na.
Natawa ako ng mahina kahit subrang sakit ng nararamdaman.
See that, Sabina? That's what you get because you put your feelings and emotions ahead.
That's the consequences of your disobedience.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
EspiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...