Chapter 13

27 9 1
                                    

"Darn. So gorgeous." Pinasadahan ako ng tingin ni Elizer.
"Wala pang make-up 'yan ah pero daig na si Marian Rivera."

"Tumigil ka nga." Tumawa ako.
"Sure kang okay lang 'to?" White na dress ang suot ko na hanggang tuhod ang haba. Simple lang naman pero OA na mag compliment ang Elizer.

"You're so fine, love. I want to marry you."

"Sira." Nag-iwas ako ng tingin.
"Ano...anong pwedi kong dalhin para sa family mo?" Nakanguso kong tanong. May pera pa naman ako kaya makakabili pa ako ng pasalubong.

"Your presence is enough, baby."

"Nakakahiya kaya. Samahan mo 'ko may bibilhin lang ako."

Sumunod naman s'ya saakin. Pinipilit na wag na daw akong bumili. Pero I insisted.

Sa huli ay sumunod s'ya saakin sa flower shop. Tumitingin din s'ya ng mga bulaklak kaya nagkahiwalay kami dahil may na pili na ako. Red na Rosas lang naman iyon saka Mirabella. Maganda kasi ang combination ng kulay kaya 'yon ang napili ko.

Sinabi ko sa tindera na 'yong 1k lang ang halaga kasi 'yon lang ang budget ko para sa bulaklak.

"Para saan ba 'to neng?" Tanong ni nanay.

"Para sa boyfriend ko po." Nakangiti kong sabi saka ininguso si Elizer na ngayon ay naka-tingin sa mga daisies.  Napakaseryoso nitong tignan.

"Gwapo naman ng boyfriend mo, neng. Bagay na bagay kayo."

"Salamat po." Nagbayad na ako kay Nanay saka tinawag si Elizer.

"Baby, let's go." Tawag ko sakan'ya saka ngumuso. Dapat na akong masanay sa endearment na 'yan.

"Baby." Hinawakan n'ya ang isa kong kamay saka tumingin sa hawak kong mga bulaklak.
"I told you hindi mo na kaylangan na bilhan ng gan'yan si mommy."

Ngumiti ako saka ko inabot sakan'ya ang bouquet.
"Para sa'yo to."

Nakita ko kung paano umawang ang bibig n'ya.

"What?"

"Para sa'yo. Binili ko para sa'yo." Ulit ko.

Kurap- kurap s'yang nakatingin sa mga bulaklak. Parang hindi talaga makapaniwala na bibigyan ko s'ya nito ngayon.

"Ehhhh." Tinakpan nito ang mukha gamit ang dalawang kamay saka tumalikod saakin.

Ako nanaman tuloy ang nagulat sa ginawa n'ya.

"Hooyyy Elizer ano ba."

"Don't talk to me, nahihiya ako."

Goodness! Para s'yang bata!

Tuloy ay lumilingon saamin ang mga dumadaan. Nakangiti ang mga 'to habang nakatingin saamin pero hindi ko parin maiwasang mahiya.

"Elizer." Natatawa kong tawag sakan'ya.
"Tanggapin mo na 'to para maka-alis na tayo."

Humarap naman s'ya saakin. I pursed my lips, forcing myself not to smile.

Pulang-pula na ang mukha n'ya. Nahihiya pala talaga. Akala ko ay nagbibiro at inarte lang s'ya.

"Ako dapat magbigay sayo n'yan eh." Sabi n'ya saka kinamot ang batok.

"Wala sa gender ang pagbibigay ng bulaklak. Ano, saka kalang makakatanggap ng flowers kapag patay kana?" Pabiro ko s'yang inirapan.
"Saka Ikaw nalang palaging nagbibigay saakin eh."

Dalawang beses lang s'yang nagbigay saakin ng bulaklak dahil alam naman n'yang hindi ko rin ganoon kahilig ang mga ganito. Mas gusto n'yang bigyan ako ng libro, pagkain o damit. Mga cute stuff gaya noong pillow.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now