"Aba! Mas deserve ni Bonifacio maging National Hero, hindi tulad ng Rizal nyo na pumunta pa ng ibang bansa eh Filipino naman s'ya! Dapat nga nanatili s'ya dito sa Pilipinas eh! Parang Dora, ampp!"
"Kasi nga nag bu- build s'ya ng connections at nanghingi ng tulong sa mga tao do'n! At hindi s'ya pumunta sa ibang bansa para gumala! Nando'n s'ya para mag- aral at magsulat para sa bansa natin!"
"Oh e ano ini- expect mo?! Sinasakop na tayo ng mga dayuhan tapos sasabihin lang na 'Oh mga Pilipino, mag sulat tayo ng libro!' eme mo!"
"Paano makakapag- sulat ng libro si Bonifacio eh hindi naman s'ya nakapagtapos ng pag- aaral?!"
"Oh?! So educational background na pala ang basehan para maging National Hero?! Aanhin mo 'yang educational background mo kung puro sulat kalang naman at walang pagkilos?!"
Napahilot ako sa sintido ko dahil sa subrang stress sa sagutan ni Russel at Myrna. Akala ko puso lang ang tumitibok, pati rin pala utak.
Hindi ko rin alam kung bakit ang kanina lang na debate, ngayon ay parang magsasabunutan na ang mga members.
Si President Elijah na kanina sana ang bida ay nakatanga nalang ngayon nakatingin sakanila dahil hindi maawat ang mga bibig nito. Parehong ayaw magpatalo at minsan ay hindi na reliable ang mga sinasabi nila.
At hindi ko naman alam kung bakit hinahayaan lang sila ni ma'am Arlyn. Parang nag e- enjoy pa kahit halos magkapikonan na ang dalawa.
Gusto ko ng matapos 'to dahil masakit na talaga ang ulo ko!
"Wala na! Shut up na dahil si Rizal parin ang National Hero natin at hindi si Bonifacio!"
"He has never been proclaimed as National Hero." Ang kaninang maingay na classroom ay natahimik at lahat ay lumingon saakin, including ma'am Arlyn.
Umayos ako ng tayo at seryosong tumingin sakanila.
"According to the National Commission for Culture and the Arts, there is no law, executive order or proclamation that has been enacted or issued proclaiming any Historical figure as a National Hero."
Confident kong sagot kahit sa loob ko ay nagdadasal ako na sana wala silang masagot at hindi nakapag research ng sagot tungkol do'n.
"H-huh?" Sagot ni Jasmine saka binuksan ang libro namin sa History.
"Okay, that's enough."
Napakalaki ng ngiti ko nang sinabi iyon ni ma'am Arlyn.
"Go back to your seats, students."Kanya- kanya naman kaming balik sa mga upuan namin.
"The second round will continue the day after tomorrow, about Political ideologies. Pagkatapos nun we will have a short discussion about Jose Rizal and Bonifacio." Tumingin si ma'am sa relo n'ya. May 20 minutes pa.
"Okay, for the remaining time I want you to write an essay, in your own opinion kung sino ang mas deserving maging National Hero, is it Bonifacio or Rizal? You can choose whoever you want, not necessarily kung anong stand ng group nyo."
Hindi na kaylangan mag-iba, Bonifacio parin naman ako, and I will stick with my beliefs.
"President, collect their papers later."
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...