"I rebuke the spirit of Pride in the mighty name of Jesus!"
Halos mabitawan ko ang kutsarang hawak dahil sa pagsigaw ni Saniyah.
"What?" Nakataas ang kilay n'yang tanong nang makitang nakatingin sakan'ya ang lahat.
"Para kayong hindi mga disciples ah, mag-usap naman kayo uy. Para kayong mga bata."Napabuntong-hininga ako saka pinagpatuloy ang pagkain.
Nag bi- breakfast kami ngayong lima at pagkatapos e- bless ang pagkain ay wala ng nagsasalita pa saamin, bukod kay Dani na tahimik naman talaga kaya hindi na nakakapagtaka. Pero si Mau, halatang may sasabihin kasi kanina ko pa napapansin na bumubukas ang bibig n'ya na parang gusto ng magsalita.
Hindi naman sa galit ako sakanila, nahihiya lang talaga ako dahil sa nangyari kagabi.
"Okay fine." Binaba ni Sky ang hawak na kutsara saka tumingin saakin.
"I know nasaktan ka kagabi dahil sa mga nasabi ko, I shouldn't approached you in that way, so...I'm sorry."Tumango ako. "Ayos lang naman kasi 'yon. Saka hindi ako galit. Nahihiya lang ako kasi...ako 'yong may nasabing mali kagabi. Pasensya na rin. " Nakayuko kong sabi.
"Oh ayan! " Tumawa si Saniyah na halatang gusto lang n'yang pagaanin ang ambience.
"Kung hindi ko pa ni- rebuke 'yong bad spirit ay hindi pa kayo mag so-sorry sa isat-isa.""I apologize too." It was Mau.
"Bilang panganay nyo hindi ko na handle ng maayos ang kunting problema na'to kagabi.""Aysus, ayos lang naman 'yon, Mau. Malalaki na kami, kaya na naming e- handle mga problema namin. Saka alam ko stress ka sa paghahanap ng mga kaluluwa. " Ani Saniyah saka tumawa.
Natawa narin ako sa sinabi n'ya. Mau is a candidate to be part of primary twelve. May twelve leaders kasi sa church, twelve sa lalaki at twelve naman sa babae, gaya ni ate Aya na leader ko. Sila 'yong mag ha- handle ng mga baby Christans at gina- guide para mag grow pa sa Panginoon. Kapag mature at ready na sila, sila nanaman ang mag ha- handle ng iba pa. If that happens, there will be multiplication at marami pang mga tao ang babalik sa Panginoon at mag re- repent in this last days.
Matagal na ang church pero bago palang na introduce kina Pastor George ang G12 system at discipleship kaya kahit mga matatanda na sa church ay mag la-life class pa.
"Hindi ka naman kasi namin binabawalan na mag boyfriend, Sab." Ani Sky.
"We are just worried kasi lumalayo kana sa Panginoon dahil lahat ng oras atensyon mo nand'yan na sa boyfriend mo.""Naiintindihan ko, Sky. Pasensya na talaga."
"Napagsabihan ko na'yan kagabi ah."
"You too, Saniyah." Ani Mau kay San.
"Lah, ba't ako?"
" Alam kong may boyfriend ka, ipakilala mo na'yan kina Pastora."
"'Yon naman plano ko, Mau. Hehe."
I pursed my lips. Kami pa talaga ni Saniyah ang unang nagkaroon ng boyfriend.
"Hindi nyo dapat tinatago saamin ang mga bagay na ganito. Paano namin kayo matutulungan kung patago relationship nyo?"
"Kagabi ko pa naman kasi sinagot." Napanguso ako nang magtinginan silang apat saakin.
"Wow. Para mo narin akong sinampal Sabina na isa akong easy-to-get. Dalawang linggo lang nanligaw saakin si Harrison ah."
"SANIYAH!" Pinandilatan s'ya ni Mau.
"Tell me you're joking."
"Hindi na daw kasi uso ang ligaw ngayon." Hilaw na ngiti n'yang sagot.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...