Chapter 21

22 9 0
                                    

Para kaming mga tanga ni Elizer na nakatingin lang sa isat-isa. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw at walang pumuputol ng tinginan namin.

My heart hurts. Miss ko na s'ya, subra. Gusto ko nalang isipin na mahal n'ya talaga ako, na hindi n'ya kaano-ano 'yong si Gwen, na hindi totoong girlfriend n'ya 'yon. Pero sinong niloloko ko? Harap-harapan ko na silang nahuli.

"Sabina, mahal kita." Halos walang boses n'yang sabi.

Nag-iwas ako ng tingin sakan'ya. Muling kumirot ang puso ko dahil sa narinig.

"Ang...ang sakit mo naman pala mag mahal kung ganoon, Eli." I gulped.

"Sabina..."

Nanatili akong nakatingin sa malayo nang lumapit s'ya saakin, at tama nga ako, lasing s'ya dahil amoy alak.

Napakagulo n'yang tignan, na para bang s'ya ang biktima dito.

"Let's talk, Sab."

"Sa ibang araw nalang." Tinignan ko s'yang muli.
"Kaylangan ako ng mga kaibigan ko."

"Please..."

Napaigtad ako nang hawakan n'ya ang braso ko.

"Bitawan mo ako." Seryoso kong utos sakan'ya.

"I want to talk to you, Sab. I want you...I want you please..."

"Elizer, lasing ka ano ba. Kung ano na sinasabi mo." Sinubukan kong bawiin sakan'ya ang braso ko pero masyado s'yang malakas.

Mas lalo namang ayokong makipag-usap sakan'ya, lalo na ngayong lasing s'ya.

"Elizer bitawan mo ako." Muli kong utos sakan'ya.

"No."

"Elizer!" Napasinghap ako nang pwersahan n'ya akong hinila papunta sa sasakyan n'ya.

Napaigik pa ako dahil sa higpit ng pagkakahawak n'ya sa braso ko.

"Elizer, nasasaktan ako. Bitawan mo ako, ano ba!" Pigil sigaw kong sabi. May mga ilan-ilang mga tao sa paligid at ayokong maka-sturbo sakanila.

"Pasok." Malamig n'yang sabi saka tinulak ako papasok sa kotse n'ya.

"Elizer!"

Nang subukan kong buksan ang pinto ay hindi ko magawa. Ni-lock nya ito panigurado.

"Elizer ayoko ngang kausap ka, lasing ka kaya ibaba mo ako!" Hinampas ko ang pintoan ng kotse n'ya.
"Elizer!"

"Shut up, Sabina."

Galit akong tumingin sakan'ya nang umupo s'ya sa driver's seat.

"Lasing ka, Elizer. Ibaba mo ako, ayokong sumama sayo!"

"At saan ka sasama?! Sa lalaki mo?!"

Napasinghap ako na sigaw n'ya. Gustong-gusto ko na s'yang sagutin pero muli nanaman akong napasinghap nang pagtakbuhin n'ya ang kotse ng subrang bilis.

"Elizer!" Naiiyak kong sigaw.
"Bagalan mo, ano ba! Makakabangga ka!"

Napahawak ako sa bibig ko nang muntik na kaming bumangga sa isang delivery truck.

Nagsimulang manginig ang katawan ko sa takot, hindi lang baka mabangga kami, natatakot din ako dahil hindi ko na kilala ang nasa tabi ko.

Puno ng galit ang mga mata nito na naka-focus lang sa pagmamaneho. Nagtatagis ang bagang n'ya at natatakot ako dahil ano mang oras ay mumurahin at sisigawan nanaman n'ya ako.

"Fuck!"

The car stopped.

Sumiksik ako sa pintoan ng kotse at ilang beses na huminga.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now