Chapter 6

45 20 0
                                    


Huminto kami sa tapat ng isang mansion.

Wow. Just wow.

Kumbinasyon na sky blue at white na pintura ang bahay, may mga magagandang landscape at ang mga halaman na maayos na naka trim ay halatang araw- araw inaalagaan, 'yon ang una mong mapapansin sa bahay nila. At kahit pagabi na ay kitang- kita ko parin 'yon dahil sa magagandang ilaw sa paligid.

"Bahay nina Dylan?" Paninigurado ko.

"Yeah." Kinuha nito ang cellphone at mukhang tinawagan si Dylan.
"We're here outside. Ihatid mo dito, tinatamad akong pumasok."

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Dylan papunta saamin at may dala itong dalawang bag.

I scoffed. Baka shabu nga.

"Yoww, Sabina! Sinama ka pala nitong kaibigan ko? Bida-bida talaga to sa'yo eh. Tsk, tsk." Tumawa lang ako saka s'ya kinawayan.

"Shut up, Dylan. Akin na 'yan."

"Sungit." Tumawa s'ya ng mahina saka inabot kay Elizer ang dalawang bag.
"Nand'yan na lahat pati 'yong kay Francis. 'Yong cash naman ay si Darsel na daw bahala mag transfer nun sa bank account nila."

"Sounds good. Thank you."

"Welcome bro." Lumingon s'ya saakin.
"Mag- iingat ka sa lalaking 'yan Sabina. Nangangagat 'yan."

"Parang nga." Sabay ko sa biro n'ya.

"Sige pasok na ako at naghihintay ang aking asawa. Ingat kayo."

Nagpaalam pa ako sakan'ya bago s'ya bumalik sa loob ng bahay.

"Hindi ka ba nahihirapan d'yan?" Tanong ko.

Sya kasi ang may dala ng dalawang bag at nilagay sa harap n'ya.

"Pwede namang ako ang magdala ng mga 'yan eh."

He scoffed.
"Tapos hindi ka yayakap saakin? It's a NO."

Napairap ako.
"Para kang bata."

"In English."

"Baby."

"Alright baby."

I gasped.

Dahil sa inis ay nahampas ko ang likuran n'ya. Pero imbes na masaktan ay mukhang tuwang-tuwa pa ang Elizer.


"Kapit ka saakin ng mabuti. Akala mo hindi ko nahahalata na sa damit kalang kumakapit, ha?"

Napanguso ako. Nahihiya kaya ako.

"Kapit ka saakin. Hindi ka naman mapapaso."

"Oo na." Yumakap ako sakan'ya ng mahigpit.

Pakiramdam ko tuloy ay nakangisi s'ya ngayon.


He maneuvered the motorcycle hanggang sa huminto kami sa isang gusali. Kahit madilim ay kitang- kita ko ang nakasulat sa building na iyon.

KALINGA

Inilibot ko ang tingin, una kong napansin ang isang pink at maliit na fenced gate. Sa loob ay may malaking playground, mga puno, malinis na bermuda grass at punong- puno ng mga nakabukas na ilaw ang paligid. Mayroon din akong nakitang slides at swing.

Sa loob ng apat na palapag na building ay nakita ko sa first floor ang iilang mga bata.

"We're here." Rinig kong sabi ni Eli.

Bumaba naman ako. Sa isip ko ay mukhang may idea na ako kung nasaan kami at ano ang pinuntahan namin, although ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to.

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now