"Never mind, I'm not interested anymore."Muli akong napa- buntong hininga. I should have tell him that it's about Jesus, pero parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko masabi sakan'ya.
Natahimik ako dahil sa nararamdaman kong conviction.
I know...
I know it's the Holy Spirit telling me.
Pero, date lang naman.
Tama, date lang naman eh. Wala namang masama. Pagbibigyan ko na sarili ko, para naman naranasan ko ang mga ganitong bagay.
Elementary ako ay puro laro lang ang nasa isip, binu-bully pa nga ako eh. Nang mag High School naman ay maraming sumubok na landiin ako pero hindi ko naman nagugustohan at hindi ko rin type. Hindi parin ako handa makipag relasyon no'ng panahon na iyon.
Nang mag Senior High ako, may nagustohan akong lalaki. President ng Supreme Student Government pero kalaunan ay nag graduate din na hindi ko man lang nakausap. At that time ay naging Christian na ako kaya hindi ko hinayaan ang sino mang lalaki na makalapit saakin.
Kaya ngayong college na ako ay gano'n parin naman, hindi ako nagkakagusto kung hindi Christian.
I don't know anything about Elizer but deep within me I know na nagugustohan ko rin ang mga pangyayari.
"Anyway, anong libro 'yong hinahanap mo kanina?"
Naputol ang pag- iisip ko dahil sa tanong n'ya.
"History of the Philippine people."
Sabi ko sakan'ya."I'll give it to you tomorrow morning. Is that okay?"
"Hindi na." Umiling ako. "Babalik nalang ako sa library bukas."
"No."
"Okay lang nga, ano... ayokong may gumagastos para saakin."
"Then think of it as a payment dahil pumayag kang makipag date." He chuckled.
'Yon...'yong marahan n'yang pag-tawa ang lagi kong inaabangan.
Napanguso ako.
"Ikaw bahala." Desisyon n'ya yan.
Huminto ang sinasakyan namin kaya napatingin ako sa labas.
Le verde's snack bar and restaurant.
Glass ang wall ng restaurant sa first floor at kitang-kita ko mula dito na marami- raming tao sa loob.
Sa labas palang ay malalaman mo ng mamahaling restaurant ito at mukhang masasarap pa ang mga pagkain.
Hindi na ako naghintay na pag buksan ni Elizer ng pinto, lumabas na ako bago pa n'ya ako mapagbuksan.
Tinignan n'ya ako.
Nasabi ko na bang nakakatunaw ang mga tingin n'ya? Hindi sya ngumingiti, naka- ngisi lang s'ya lagi.
Sa totoo lang ay ang liit ko kung tatabi ako sakan'ya. Lalo na at naka- uniform ako ngayon ay para akong high school student na naka tabi sa isang campus crush.
Elizer is effortlessly handsome. Ang kan'yang simpleng black na t- shirt ay bagay na bagay sa itsura n'ya.
Sure naman ako na kapag iba ang nagsuot n'yan ay hindi na kasing gwapo at hindi na gano'n ang impact gaya ni Elizer. Kung pinanganak lang s'ya sa showbiz industry ay malamang maraming mahuhumaling sakan'ya.
"What are you thinking?" Pinanliitan ako ni Elizer ng mata.
Bumalik ako sa wisyo. I didn't realize na pinupuri ko na si Elizer sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/211784705-288-k163591.jpg)
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...