"Convenience store lang kami." Tinapik ni Mau and balikat ko.
"Mag-usap kayo n'yan."Kung pwede lang na pigilan ko silang wag umalis ay gagawin ko. Kanina lang ay gusto kong kausapin si Elizer pero ngayong nasa harap ko na s'ya ay natatakot ako. Lalo na't hindi ko alam kung anong naging pag-uusap nila ni Mau.
Natahimik kaming dalawa nang kami nalang ang naiwan. Nang tignan ko s'ya ay nakakibit ang balikat nito at nakatingin lang sa malayo.
"A-ano..." Basag ko sa katahimikan namin.
"Gusto mo ng maiinom? Meryenda?" Tanong ko sakan'ya.Nilingon naman n'ya ako dahilan para makaramdam ako ng kaba.
"No need. Aalis na rin ako."
Nataranta ako nang makita s'yang tumayo.
Ayaw ba n'yang makausap ako? Pero bakit nandito s'ya?
Akmang lalagpasan na n'ya ako para lumabas nang humarang ako sakan'ya.
"Tabi."
I gulped. Punong-puno ng awtoridad ang boses n'ya. Gustong-gusto ko nalang s'yang yakapin dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko o saan ako magsisimula. Ang gusto ko lang ay magkaayos kami.
"Sabina, padaanin mo ako." Seryoso n'yang sabi.
Marahas akong umiling. Nararamdaman kong ano mang sandali ay iiyak nanaman ako pero tinatagan ko ang loob kong harapin s'ya.
"B-bakit ka nandito? Gusto mo bati na tayo?" Naiiyak kong tanong. He avoided my gaze kaya naman malaya kong tinignan ang mukha n'ya.
He's emotionless.
"S-sorry." Halos walang boses kong sabi sakan'ya.
"Sorry kasi...hindi muna ako nagpaalam sa'yo. Nagkamali ako, pasensya na.""I came here to say sorry." He faced me.
I gulped.
"Kasi mali rin ako, sinigawan kita."
"Ayos lang naman..."
"Pero nakakatangina ang mga kaibigan mo, Sabina."
Parang may bombang sumabog sa loob ko nang marinig ang sinabi n'yang iyon.
"E-Eli wag mo namang... sabihin 'yan." Pakiusap ko sakan'ya. Ako ang nasasaktan para sa mga kaibigan ko. Pwede namang hindi n'ya 'yon sabihin.
Lumapit s'ya saakin dahilan para mapaatras ako.
"Sabina tinanong nila ako kung nagsisimba ba raw ako o nagbabasa ng bible araw-araw." He sarcastically laugh.
"Ano, kapag sinabi kong hindi, aayawan nila ako para sayo? Gano'n?"Ilang beses akong umiling. Parang may bumabara sa lalamunan ko at hirap akong makapagsalita. Gusto ko lang namang magkaayos kami pero parang lumaki pa ata ang gulo.
"Eli...H-hindi naman sa gano'n. Tinatanong ka lang nila."
"You didn't tell me that you're..." Pinasadahan n'ya ako ng tingin.
"Religious."Umiling ako. How can I explain it to him?
Mali nanaman ako, naghintay pa kasi ako ng tamang pagkakataon para masabi sakan'ya.
"Hindi...hindi naman kasi big deal 'yon, Eli." Sabi ko.
Bumigat ang nararamdaman ko. That's a lie. My relationship with Jesus is my biggest flex in life.
"Kaya hindi na ako nag-abala na sabihin pa sa'yo kasi hindi nga big deal."
"I don't know, Sab." Tumingin s'ya saakin dahilan para ako nanaman ang mag-iwas ng tingin.
"Sa ating dalawa ako lang 'yong laging nagkukuwento. I realize na wala pa pala akong alam masyado tungkol sa'yo."
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...