Chapter 4

60 22 0
                                    

Exactly eight ng ay umaga ay nakarating na ako sa school dahil sumabay na ako kina Mau. Mas mabuti ng maaga kaysa late.

Ang akala ko pa ay ako ang first comer pero laking gulat ko nang makita sina Russel at Jona, kapwa nakasandal sa pinto at mukhang may hinihintay.

Tama nga ako dahil nang makalapit ako ay lumaki ang ngiti nila at pakiramdam ko pa ay kumikislap ang mga mata nila.

"Dumating na ang maganda!"

"Ano, kumusta ang date?!"

"Pwede paupuin nyo muna ako?" Natatawa kong sabi. Kakarating ko lang ay chismis agad ang hanap nila.

Hindi man lang nila ako kinamusta. Paano pala kung nabundol ako ng kotse papunta dito, tapos mas may pakialam pa sila sa chismis kaysa saakin.

Sinundan nila ako hanggang makarating sa upuan at kanya- kanyang higit ng mauupuan para makatabi saakin.

"Ano na, Sabina? Dalian mo at kating- kati na ako."

"Ano bang gusto nyong marinig? Eh di nag dinner lang kami."

"Badoy mo!" Jona scoffed.
"E describe mo naman kung paano ka n'ya tignan, 'yong mga galaw nya at mga punching line!"

Napakamot ako ng ulo.

I'm not good at this.

Saka ano namang alam ko sa galaw n'ya eh hindi nga ako makatingin sakan'ya ng diretso.

"He called me, baby." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Russel.
"May endearment agad? Ni hindi pa nga nagsabi na nanliligaw eh!"

Umiling ako.

"Nasabi n'ya lang 'yon no'ng nasa library kami, nag selos eh."

Sabay silang suminghap ni Jona. Hindi ko alam kung bakit ang OA nila at talagang nahuhumaling sila sa lalaki.

I can't blame them though.

Elizer is effortlessly and dangerously handsome na matapunan ka lang ng tingin parang pribilehiyo na 'yon sayo.

Aakalain mong masungit ang lalaki dahil kahit maglakad lang sya ay sumisigaw na ang kayamanan at mai-intimidate ka talaga. Hindi naman friendly ang pagmumukha ni Elizer.

Para s'yang si Dylan Wang kapag ngumisi at kumunot ang noo.

"Tapos? Tapos? Ano pa?"

Napanguso ako, sa huli ay kinuwento ko nalang sakanila ang nangyari, mula sa library, dinner namin, pagbigay n'ya ng libro at palitan namin ng chat. Ang tagal ko pang natapos dahil maya-maya naman ang paghampas at tili ng dalawa.

"Haaay. Napaka-swerte mo namang babae ka." Kinikilig pang sabi ni Russel.
"Elizer, Elizer, Elizer. Para s'yang anghel na bumaba dito sa lupa."

Natawa ako sa isip. Ang akala nilang itsura sa Angel na taong may dalawang pakpak ay hindi naman totoo. It's not and it's not even biblical. Kung makakita lang sila ng totoong Angel ay baka matakot pa sila sa itsura nun.

"Inggrata ka, Russel. Wag ka ng mag day- dream diyan at hindi ikaw ang napili. Nandito na oh, nasa harap mo na ang nanalo."

Umiling ulit ako.
"Anong nanalo? Lumabas lang kami, hindi naman ibig sabihin nun ay magiging kami."

"Yownn at gusto din."

Magsasalita pa sana ako para e- defend ang sarili but then Jona cut me off.

"Aba wag pairalin ang katangahan, Sabina ah. Sinabi na sa'yong gusto ka, lumabas kayo, binilhan ka ng libro. Ano ba sunod n'yan? Eh di manliligaw sayo!"

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now