EPILOGUE

27 10 0
                                    

"BWAHAHAHAHA! Taenang mukha 'yan, Elizer! Mukha kang tatay ng sampung anak!"

I glared at Dylan. He is now sitting on the couch. S'ya lang itong mokong na tinatawanan ang paghihirap ko.

"Trouble in paradise, bud?"

"You have no idea." Umupo ako sa harap ni Dylan bago binalingan ang kakarating lang na si Darsel.
"Free massage please."

"I know you'll ask for it." He chuckled and went back to the kitchen. He'll probably wash his hands.

Lagi nalang ganito. Kapag uuwi ako sa bahay ay dadaan ako sa bahay ni Darsel para magpa-massage ng sentido ko. Siguro sa stress ko ay baka totoo ang sinabi ni Dylan na para na akong tatay ng sampung anak kahit isa palang naman ang anak ko at nasa sinapupunan pa ito ni Sabina.

Kunting tiis nalang...

"Gotta go. Susunduin ko pa si Adelle sa school." Tukoy ni Dylan sa anim na taong anak.

Inismaran ko lang s'ya dahil halatang gusto n'ya akong asarin. Kung wala pa itong lakad ay malamang tatawanan pa ako ng loko.

"How's your wife? Gano'n parin ang cravings?"

"Unfortunately." Kapag hindi pa nakukuha ang gusto ay aawayin ako at hindi kakausapin ng ilang araw.

For heaven's sake! I didn't know na ganito pala kahirap maging ama!

"Tiisin mo lang, bud." Aniya habang minamasahe ang sentido ko. It feels good.

"Si Misis nga no'ng nagbubuntis kay Cassy halos ibato na saakin ang kahit anong mahawakan n'ya kapag naiinis s'ya."

"How did you survive?"

"Patience, Elizer. Mahal ko eh, alangan nalang pabayaan ko. Alam kong mahirap lalo na dahil weird ang mga pagkain na gusto ni Sabina pero in the end, it'll be worth it."

As I walked to our house, that was all I could think about. That it will all be worth it and I need a lot of patience. Si Sabina na 'yan eh. Mahal ko 'yong tao.

"BABYYYYY!"

"JESUS CHRIST! SABINA 'WAG KANG TUMAKBO!"

Halos liparin ko na ang pintoan papunta sa hagdanan nang makita ko ang asawa na parang batang tumatakbo pababa ng hagdan.

She's always like this. Subra-subra ang paglalambing.

"Baby!"

Mahigpit ko s'yang niyakap. Mukhang bagong ligo lang s'ya dahil amoy na amoy ko ang shampoo at sabon n'yang gamit.

"Ang tagal mo naman! Kanina pa ako naghihintay. Bumisita rin kanina rito si Dani at Ash tapos binigyan nila ako ng  bayabas!"

"Bayabas?"

"Oo baby. Kaso 'yong balat lang kinain ko. Ang pangit kasi ng lasa no'ng nasa loob eh."

See? Hindi ko alam na ganito pala ang mga buntis. Kung ano-anong kinakain. I remember when she ate pancit canton mixed with ketchup and vinegar. Pinakain pa n'ya saakin 'yon at ang ending ay diring-diri ako sa lasa!

"Baby let's go! It's siopao time!"

"Okay baby." Hinalikan ko s'ya sa noo bago maingat na dinala sa kotse.

T'wing galing sa trabaho, pag-uwi ko ay aalis agad kami ni Sabina dahil araw-araw s'yang kumakain ng siopao.

The problem is... hindi lang basta-basta siopao 'yon dahil kaylangan may kagat ng tindero.

You heard it right. Uulitin ko...ang siopao ay dapat may kagat ng tindero. Kung wala non ay hindi n'ya kakainin at iiyak s'ya.

"BUNTIS!"

Unequally Yoked (Series 1)Where stories live. Discover now